Max Collins admits being cheated on in the past

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Max Collins opens up about experiencing infidelity in her previous relationships: “I think hindi ka talaga dapat magpakatanga. Hindi ka masyadong mabait."


Inamin ng Kapuso actress na si Max Collins, 26, na maraming beses siyang naging biktima ng pagtataksil at panloloko sa kanyang mga nakaraang relasyon.

“Many times… parang wala na sa ‘kin [ang panloloko], na I don’t really feel bad about it because…

"Like, ‘Bahala na siya,’ parang ganun ang pakiramdam ko,” pahayag ng aktres sa press conference ng Bihag, ang upcoming Kapuso afternoon teleserye.

Ayon kay Max, may mga pagkukulang din siya kung bakit paulit-ulit na ginawa sa kanya ang pagtataksil.

“I’m too nice that I’d let them get away with it. And then if he says sorry, I forgive him.

"So, parang kasalanan ko rin."

Dagdag niya, “I think, hindi ka talaga dapat magpakatanga. Hindi ka masyadong mabait.

"Ipakita mo na you respect yourself as a person para respetuhin ka rin ng tao, ng partner mo.”

May mga indikasyon daw noon na niloloko na siya, subalit mabilis siyang magpatawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I saw signs and then magso-sorry lang, okay na kami. And then, mangyayari ulit.

“Hanggang sa darating sa point na tama na, ayoko na.

“Mawawala talaga ang love mo sa partner mo kapag lagi kang ginagago.

“I think it’s all about self-respect as a person.”

MAX COLLINS BELIEVED IN LOVE AGAIN BECAUSE OF PANCHO MAGNO

Inamin ni Max na nagkaroon siya ng pagdududa pagdating sa pag-ibig dahil sa kanyang mga karanasan, subalit binago iyon nang makilala niya ang aktor na si Pancho Magno.

“It did make me jaded, like, ayokong mag-commit.

“I think Pancho is the only one who showed me what it’s like to be somebody who really commits.

“I think, all of the other guys were just, like, they never showed me someone that I can respect in the future.

“Si Pancho lang talaga.

"Nakita ko na kayang respetuhin forever and he’ll be a good father and a good husband, and it’s really hard to find a man like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinasal sina Max at Pancho noong December 2017.  

Samantala, ang Bihag ay pinagbibidahan din nina Jason Abalos, Mark Herras, Sophie Albert, Rafael Landicho, at Neil Ryan Sese at magsisimula sa April 1.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN