Maine Mendoza disputes fabricated Instagram message for AlDub fans

IMAGE @juansarte Instagram

Maine Mendoza denies posting an Instagram Story where she allegedly called out AlDub fans for dragging her parents in "edited resibos" about her.


Inalmahan ni Maine Mendoza ang kumakalat na pekeng Instagram Story kung saan pinapalabas na kinastigo niya ang hukbo ng AlDub fans.

Ni-repost ni Maine ang screenshot ng isang pekeng Instagram Story gamit ang kanyang Instagram handle na @mainedcm at display photo.

Kalakip nito ang isang written text na nagsasabing:

“Don't involve my parents in your MADE UP STORIES/'EDITED RESIBOS'

“What about ‘OSAKA’ again?”

Ang tinutukoy na “resibo” ay slang word para sa “katibayan” o “ebidensiya” ng netizens na may kopya ng photo o video na may kinalaman sa anumang sinusubaybayan nilang personalidad o isyu.

Pero nilinaw ni Maine na wala siyang pinu-post na ganoong Instagram Story bilang patama sa AlDub fans.

Tweet ni Maine noong March 24:

“Hello po, ito po ba ang tinutukoy niyo? Hindi po ako nagpost ng ganito. Inedit lang po to, fyi. Have a good day!”

ALLEGED SECRET FACEBOOK ACCOUNT

Tila may kaugnayan ang pagkalat ng pekeng messages na pinapalabas na galing kay Maine matapos madismaya ang ilang fans sa kumpirmasyon ng dalaga na exclusively dating na sila ni Arjo Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilathala ni Maine ang madamdamin nitong saloobin hinggil sa kanyang love life kalakip ang isang mensahe para sa AlDub fans, bisperas ng kanyang 24th birthday, noong March 2.

Bandang March 4, kumalat ang espekulasyong mayroon diumanong secret Facebook account si Maine gamit ang pseudonym na “Gil Quilong.”

Nag-post daw ang naturang Gil Quilong sa Facebook ng “I’ve got the worst fandom ever” noong kasagsagan ng pag-amin ni Maine tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Arjo.

MAINE'S CLARIFICATION

Pero hindi iyon pinalampas ni Maine.

Nakiusap ang dalaga sa kanyang tweet noong March 7 na tigilan na ng ibang netizens ang pagpapakalat ng gawa-gawang mensahe na galing diumano sa kanya.

Sabi pa ni Maine noon: “Lol bakit ba ang hilig niyo mag edit ng 'resibo'? Damay niyo pa si Patchypie at Mam Sheila. 'Don’t us' din ho."

Si Pat ay isa sa assistant directors ng Eat Bulaga!, habang si Shiela naman ay ang assistant vice president for Production-Studio Operation ng TAPE, Inc. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga ito ang sinasabing nag-comment sa Facebook post ng naturang Gil Quilong, na ayon kay Maine ay maling ibintang sa kanya. 


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City
Maine Mendoza quashes fabricated Facebook post
Maine Mendoza quashes fabricated Facebook post
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN