Jessy Mendiola denies being "patola" to bashers

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola explains why she answers bashers on social media: "I feel sad kapag ganun yung nangyayari kasi mga tao din po kami, and if we feel na parang below the belt na yung hirit or crossing the line na, I feel na... call it whatever you want, call it patola man or patol basta para sa akin, I want to get their facts straight.”


Muli na namang pumatol si Jessy Mendiola sa isang basher sa Instagram kamakailan.

Ito ay pagkatapos buhayin muli ng basher ang isyung inagaw lang diumano ni Jessy ang boyfriend na si Luis Manzano mula kay Angel Locsin.

Buong mensahe ng netizen: “Bka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si LUIS kay Angel before para matahimk na sila sa pamba-bash sa Inyo…

"ang tao minsan Hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutchada nila, isang malaking sagot bigay mo sa kanla at nasa tao na if maniniwala or Hindi pero in the end matahimik na sila ksi may closure na e..”

Nang tanungin si Jessy tungkol dito, hindi na raw niya maalala ang partikular na komento ng basher na sinagot niya.

Pero nararapat lang daw na minsan ay sagutin ang mga ganitong klaseng tao upang malaman nila ang katotohanan.

Hindi rin daw ibig sabihin nito ay isa na siyang "patola."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 26-year-old actress, “Hindi ko siya maalala, pero if ever man po mayroon, I feel na kapag feeling mo gusto mo silang i-correct or may i-clarify, bakit naman hindi puwedeng sumagot?

“Hindi naman ibig sabihin patola.

“It’s more of, you know, explaining...

“Actually, hindi nga explaining. It’s more of letting the person know kung ano yung totoo. Kung ano yung truth mo.

"And I don’t see anything wrong with that, di ba? Parang, ganun na lang po ba tayo?

“Kapag mayroong nagsasabi sa 'yo ng negative, hindi ka na lang sasagot para lang hindi ka sabihan ng patola?"

Patuloy ni Jessy, “I feel sad kapag ganun yung nangyayari kasi mga tao din po kami, and if we feel na parang below the belt na yung hirit or crossing the line na.

"I feel na... call it whatever you want, call it patola man or patol, basta para sa akin, I want to get their facts straight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Jessy sa grand media conference ng Stranded, ang bago niyang pelikula kasama si Arjo Atayde under Regal Entertainment, Inc., Martes ng tanghali, March 26.

Ipalalabas naman ang pelikula sa mga sinehan simula sa April 10.

THANKFUL TO LUIS MANZANO

Labis naman ang pasasalamat ni Jessy sa nobyong si Luis Manzano dahil malaki ang naitulong nito sa kanya pagdating sa pagharap sa bashers.

Aniya, “Sobra! As in insensitive [ako] sa bashing.

“I’m not to ano, ha... I’m just being honest.

“Si Luis, hindi yun naaapektuhan ng bashing.

“He’s… sobrang wala lang sa kanya.

"Pini-playtime lang niya mga bashers, mga negativity. Ayaw niya kasi talaga nun, e.

"So, kapag may namba-bash sa kanya, ibinabalik din niya na, ‘A, talaga, joke-an tayo, sige joke-an din kita,’ parang ganun.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN