Judy Ann Santos, Amy Perez warn of scammers using their photos on Facebook

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos (left) and Amy Perez (right) made Instagram posts vehemently denying their affiliation with scammers using their images for false advertisement.


Nanawagan si Judy Ann Santos sa kanyang Instagram followers na huwag paniwalaan ang scammer na gumagamit ng kanyang pangalan sa Facebook para mag-imbita sa mga nagnanais sumali sa kanyang negosyo.

Mariing itinanggi ni Judy Ann ang pagkakaroon niya ng nasabing Facebook account.

Idinaan ni Judy Ann ang panawagan sa kanyang Instagram post kahapon, March 26, kalakip ang post ng scammer.

Saad sa post na ibinuking ni Juday, “Sino Pong Mahilig dito mag business? May business partner offer po ako. Message niyo po ako.”

Kalakip din ang screenshot ng fake Facebook account ni Juday na may mga larawan at caption pa nilang mag-iina.

Sa caption, itinanggi ni Juday na kanya ang FB account na ito at sinabi pang ilang beses nang nagtangkang makipag-ugnayan ng kanyang team sa scammer, at ini-report na rin nila ito.

Ani Juday, "Para po sa mga nagtatanong... this facebook account is not mine.. my team reached out a couple of times already to the person handling this account and reported this account as well.. i do not have any personal facebook account that’s public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pls. Be careful of scammers.. at para sa inyo namang mga scammer, may tamang paraan para kunita ng pera.. wag namang gumamit ng pangalan at manloko ng mga tao."

AMY PEREZ DENIES PAYSBOOK AFFILIATION

Hindi lang si Judy Ann ang biktima ng mga scammer, nanawagan din kamakailan ang It’s Showtime host na si Amy Perez-Castillo sa kanyang Instagram followers at itinanggi ang pagkakaroon niya ng koneksiyon sa Paysbook, isang networking group.

Ginamit ng Paysbook ang mga larawan ni Amy na kasama ang ilang tao na pinaniniwalaang kasali sa nasabing recruitment group.

Kuha ang larawan sa loob ng eroplano.

Sabi pa sa post ng nag-iimbita ng mga tao, “Kung nanonood ka ng ITS SHOWTIME kilala mo sya kapatid ni direk Bobet, at si Mrs. Amy Perez.  Nag-join din sila sa Paysbook,, kung duda ka bahala ka jan, #paysbookisnotscam #paysbookisgood #paysbookneverstop.”

Sa isa pang screenshot mula sa Facebook account ng grupo, sinabing dadalo sa Paysbook event sa Hong Kong si Amy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#ItsSHOWTIME! Just comment or pm sa interested mag-join.

“Ano kayang gagawin ni Amy Perez sa Paysbook Event saHongkong?

“Ang daming PASABOG ni #Paysbook kaya huwag pahuhuli pa! It’s not yet too LATE TO BE PART OF OUR FAST GROWING TEAM.”

Nagbabala si Amy sa mga tao at sinabing huwag maniwala sa pang-eenganyo ng grupo at sinasabing kasali sa team.

Sa kanyang Instagram account na @amypcastillo, sabi ni Amy, "May mga kumakalat na larawan ko ngayon sa FB kasama ang ilang tao na tila nang-e-engganyo na sumali sa kanilang negosyo na 'PAYSBOOK'

"nililinaw ko po na WALA akong koneksyon sa nasabing grupo sila po ay nag pa picture lamang sa akin nung nakasabay ko sila sa Airport at ngayon ay ginamit na nila ito upang makahikayat ng members katulad ng sinasabi nila sa mga caption nila. 

"Attention @dti.philippines paki check po ito pati na rin sa NBI at kay General Eleazar RD NCRPO 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat po ng marami."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN