Ericka Villongco now engaged to foreigner boyfriend

IMAGE @erickaxx on Instagram

Singer Ericka Villongco announces on Instagram her engagement to boyfriend Ross Sauve, who proposed to her while they were on vacation in Hawaii.


Engaged na ang U.S.-based singer na si Ericka Villongco sa kanyang boyfriend na si Ross Sauve, na bahagi ng DJ and producing duo na TAMA UCXI.

Naganap ang proposal ni Ross kay Ericka nitong March 26, Martes, habang nagbabakasyon ang dalawa sa Hawaii.

Ipinost ni Ericka, 25, sa Instagram ang larawan ng kanyang kamay suot ang engagement ring.

Caption ni Ericka: "I said yes to my greatest & last love @yonosauve [heart emoji] I love you so much baby!!”

Sa kanyang Instagram Story naman ay sunud-sunod ang pag-post ni Ericka ng ilang highlights ng proposal.

Kabilang dito ang larawan ng kanyang engagement ring at kissing photo nila ng kanyang fiancé.

Caption dito ni Ericka: “thank u for all the love im still on cloud 9

“can’t wait to plan our dream wedding in the Philippines w all my friends &amily one day”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala si Ericka sa local music industry bilang bahagi ng singing duo na Krissy & Ericka, kung saan kasama niya ang kanyang kapatid.

Umingay rin ang kanyang pangalan nang mabunyag na dati siyang girlfriend ng Kapamilya actor na si James Reid.


Stories We Are Tracking

Did Ericka Villongco take a swipe at Nadine Lustre?
Did Ericka Villongco take a swipe at Nadine Lustre?
Ericka Villongco no regrets calling Nadine Lustre 'copycat'
Ericka Villongco no regrets calling Nadine Lustre 'copycat'
Ericka Villongco proud of her boob job
Ericka Villongco proud of her boob job
James Reid's ex-GF asks JaDine fans to stop bashing her
James Reid's ex-GF asks JaDine fans to stop bashing her


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN