Kaye Abad reveals what is so special about ex-BF John Lloyd Cruz

IMAGE Noel Orsal / @mimsqiu on Instagram

Kapamilya actress Kaye Abad recounts how simple former boyfriend John Lloyd Cruz's life was before he became famous.


“Nakaka-miss siya,” sambit ni Kaye Abad, 36, tungkol sa kanyang dating ka-love team at former boyfriend na si John Lloyd Cruz, 35.

Nagkuwento si Kaye tungkol kay John Lloyd sa guest appearance ng aktres sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, Martes, March 26.

Inusisa ng host na si Boy Abunda ang Nang Ngumiti Ang Langit actress kung ano ang espesyal sa pagkatao ni John Lloyd.

“Personality niya. Sa akin, special, kasi he was my first boyfriend. First love,” sagot ni Kaye.  

Nagkuwento rin ang aktres kung gaano kasimple ang buhay ni John Lloyd noon bago ito sumikat.

“Simple lang ang buhay ni John Lloyd before, wala silang sasakyan.

“I live in Cavite. [Mula] Laguna, ihahatid ko siyang Pasig, 'tsaka ako uuwing Cavite.”

Sa Laguna ang location ng dating Kapamilya weekend series na Tabing-Ilog, kung saan sumikat ang love team nina John Lloyd at Kaye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN LLOYD WAS DESTINED TO BE A GREAT ACTOR

Ayon kay Kaye, naramdaman niya noong magiging mahusay na aktor si John Lloyd.

“Sa aming lahat sa Tabing Ilog, siya yung nakitaan ko talaga na malalim pag umarte, yung natural.

“May nakukuha ako sa kanyang emosyon na totoo.

“So nakita ko na, 'Sisikat 'to. Iiwan ako nito, magla-love team ito ng iba,'” may halong birong saad ni Kaye.

Ang Tabing Ilog ay tumagal ng apat na taon (1999-2003); at nagpasikat sa mga artistang kagaya nina Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Paula Peralejo, at Paolo Contis.

Proud daw si Kaye sa mga narating ng kanyang mga kasama, kagaya ni Jodi na isa nang ganap na aktres at nananatiling aktibo sa showbiz.

Pag-amin ni Kaye, hindi na ganoon kadalas silang magkamustahan dahil may kanya-kanya na silang buhay.

KAYE AND JOHN LLOYD IN CEBU

Muling kinumpirma ni Kaye ang unang napaulat na hindi pa rin sila nagkikita ni John Lloyd kahit pareho na silang naka-base sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kaye ay naninirahan na ngayon sa Cebu dahil tagaroon ang asawa niyang si Paul Jake Castillo, ex-housemate sa Pinoy Big Brother: Double Up (2009) at pinasok din ang showbiz.  

Sa Cebu na rin nakatira si John Lloyd na karelasyon ang Cebuana actress na si Ellen Adarna.

Ayon kay Kaye, “Sabi nila, ang liit-liit ng Cebu, hindi pa kami nagkikita."

Magkaibigan din daw sina Paul Jake at Ellen.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN