Mylene Dizon on marriage: "It’s not for me, it’s not just for me."

IMAGE Rachelle Siazon


Mag-aanim na taon na ang relasyon ng aktres na si Mylene Dizon at ng boyfriend nitong si Jason Webb.

Ito na raw ang pinakamatagal na relasyon ng aktres.

Sumunod lang ang naging relasyon niya sa singer na si Ira Cruz, na tumagal ng apat na taon.

Pero consistent si Mylene tungkol sa stand niya pagdating sa kasal.

“Hindi na,” pakli niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa grand launch ng GMA-7 prime-time series na Sahaya.

“Never ko namang sinagot ‘yan na gusto kong magpakasal.

“Alam niyo ‘yan, hindi talaga ako pang-kasal.”

Nang tanungin muli tungkol sa posibilidad na magpakasal siya, ito ang natatawang sagot ni Mylene: “Nakakaloka kayo, hindi nga, di ba? Okay naman, ‘di ba?”

Hindi niya ba pinangarap lumakad sa aisle ng simbahan?

“Dyusko, ilang beses na akong naglakad sa aisle! Ang dami ko nang naging asawa!” hirit naman ng aktres, na ang tinutukoy ay ang mga wedding scenes niya sa mga teleserye at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung biglang mag-propose sa kanya si Jason at bigyan siya ng singsing, tatanggi pa rin siya?

“Maganda ba ang ring? Ring lang naman, susuot ko lang naman, e!” natawang sabi ni Mylene.

Seryoso niyang pagpapatuloy, “Unang-una, hindi ako nagri-ring. So, hindi magbibigay ng ring ‘yan.

“Nakikita niyo ba akong naka-aksesorya maliban sa shooting at taping? Hindi rin naman.”

Ano ang konsepto niya ng kasal?

“It’s not for me, it’s not just for me,” depinidong sagot ni Mylene.

MYLENE DIZN-JASON WEEB RELATIONSHIP

Low-profile lang ang relasyon nina Mylene at Jason.

“E, never naman akong nagkaroon ng relationship na nakabalandra sa public, e,” sabi ng aktres.

Bagamat anim na taon na sila, parang ito rin ang pinakatahimik niyang relasyon.

Paliwanag ni Mylene, “Siguro nagma-mature na rin ako and pareho kami na naghanap na ganito.”

Ang pagiging maalaga raw ni Jason ang pinakanagustuhan niya rito.

“He will go out of his way if he notices there’s something wrong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung malungkot ako or I’m not enjoying, he’ll find a way to spend time to fill in whatever it is.”

Natawa naman si Mylene nang banggitin namin na noong mag-post siya ng Boracay pictures nila ni Jason, kahit kasama ang kani-kanilang mga anak, may kilig pa rin ang dating nila.

Dalawang lalaki ang anak ni Mylene sa aktor na si Paolo Paraiso.

Dalawang babae naman ang anak ni Jason sa dati nitong asawa na si Claudine Trillo.

Para silang one big happy family.

“Pretty bunch!” natawang pagsang-ayon ni Mylene.

“Pretty bunch lang but, yeah, yung mga bata, magkakalapit naman ang edad, magkakasundo. Enjoy-in na lang.”

Malapit din ba ang mga anak nila ni Paolo kay Jason?

“Hindi yung tatay, no... yung tatay pa rin nila, si Paolo. Hindi yung stepfather level,” paglilinaw ni Mylene.

Sa isang banda, kahit parehong artista ang mga magulang ng dalawa niyang anak, hindi raw nakikitaan ng hilig sa pag-aartista ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala,” sambit ni Mylene.

“Well, baka yung bunso. Kasi yung bunso, hindi nahihiya.

“Although ako, noong bata ako, mahiyain ako. 

“Si Lucas, very outgoing, ma-PR… could be.”

Ang panganay naman daw niyang si Tomas at mas teknikal.

MYLENE DIZON ON SAHAYA

Kasalukuyang napapanood si Mylene sa GMA-7 prime-time series na Sahaya, kung saan gumaganap siya bilang ina ng title character na si Bianca Umali.

Bagamat mas identified si Mylene sa ABS-CBN, gumagawa rin siya paminsan-minsan ng mga proyekto sa Kapuso network, gaya nga nitong Sahaya.

“Ang suwerte ko lang kasi yung dalawa ang kasama ko ulit,” pagtukoy ni Mylene sa co-stars niyang sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na nakasama rin niya sa Once Upon A Kiss noong 2015.

Patuloy niya, “It’s comfortable.

“Natapos ang The Good Son [ABS-CBN], I think, March of last year.

“It was eleven months ago. Feeling ko, nanganay din naman ako.

“That’s why I’m so thankful na itong dalawang ito ang nakasama ko, mas madali ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Rather than nangangapa ka na nga sa trabaho, nangangapa ka pa sa makakasama mo.”

Tila mahirap yatang paniwalaang "nangangapa" si Mylene gayong kilala ang pagiging mahusay niyang aktres?

“No, mangangapa ka,” tanggi niya.

“Kailangan ko ng matinding connection with Bianca, e.

“So it was easy. So, so easy because she knew right away that I was looking for something na mag-connect with her, and she responded naman.”

Nakita rin daw ni Mylene ang chemistry nila ni Bianca bilang mag-ina. 

Sabi pa niya, “Oo, ‘no, napansin ko rin. Kasi, kamukha siya ng tita ko, puwede ko nga siyang kamag-anak.

“Hinahanap ko nga ang picture ng tita ko, ipapakita ko sa kanya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN