Andre Yllana denies tampo with father Jomari Yllana

IMAGE Arniel C. Serato

Andre Yllana on his other siblings: "Actually, wala ngang ilangan, kahit kaunting ilang. Talagang kahit half-brother walang... parang wala sa akin, e, talagang kapatid ko sila.”


Maayos daw ang relasyon ni Andre Yllana sa kanyang ama na si Jomari Yllana.

"Okay naman," sambit ng 20-anyos na si Andre nang tanungin tungkol dito.

May usap-usapan kasi noong may tampo diumano si Andre sa ama.

Paglilinaw ng binata, “Wala naman.

“Actually, mas okay kami ni Dad ngayon kesa the past years. 

“Ngayon yung pinakadikit, dikit talaga kami.”

Wala rin daw problema sa kanya na may bago siyang kapatid.

Ang tinutukoy ni Andre ay ang anak ni Jomari sa bago nitong partner na si Joy Reyes.

Saad niya, “Well, actually, happy ako kasi nagkaroon kasi kami ng usapan ni Daddy na pagdating ko ng 18, puwede na ako mag-girlfriend.

“Kapag 18 na ako, kasi 40 siya.

“Sabi niya, puwede na siya mag-asawa.

"So, napag-usapan din namin kaya masaya naman ako kay Daddy."

Pero single daw ngayon si Andre.

Nitong mga nakaraang linggo, may usap-usapang nagkakalabuan daw si Jomari at ang bagong partner nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May alam ba siya tungkol sa balitang ito?

Sagot ni Andre, “Hindi ko gaano rin alam kasi yung mga ganung bagay, madalas napag-uusapan namin ni Daddy kapag down na down siya, e.

“E, recently naman kasi, puro talagang bonding kami, so hindi pa namin napag-uusapan kung ano bang situation or whatever.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa thanksgiving party ng kanyang inang si Aiko Melendez noong Sabado, March 23.

Ito ay para sa dalawang magkasunod na Best Supporting Actress awards na natanggap ni Aiko para sa  pagganap nito sa Rainbow’s Sunset—mula sa Metro Manila Film Festival 2018 at Gawad Pasado 2019. 

NO STRANGE FEELING WITH OTHER SIBLINGS

Ayon kay Andre, nakita na niya ang kanyang half-brother.

“Yes, nakita ko na.

“Masaya ako, actually.

“Lagi ko ngang dinadalaw.

“Kapag nandun ako sa Parañaque, lagi ko dinadalaw kapatid ko.”

Ngayong nasa tamang edad na siya, hindi raw naisip ni Andre na kakaiba ang set-up nilang magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang half-sister niyang si Marthena ay anak ni Aiko sa second husband nitong si Martin Jickain.

Saad ni Andre, “Hindi naman.

“Actually, wala ngang ilangan, kahit kaunting ilang.

“Talagang kahit half-brother walang… saka si Mimi [Marthena] half-sister ko, parang wala sa akin, e, talagang kapatid ko sila.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN