Jason Abalos says he won't hinder Vickie Rushton if she wins a Binibining Pilipinas title

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Jason Abalos on girlfriend Vickie Rushton's dream of winning a Binibining Pilipinas title: "Siyempre ako, masaya ako kung siya ang makakatuluyan ko. Pero kung, sabi ko nga dati pa, hindi mo talaga pupuwedeng alisin sa tao yung kaligayahan niya, e, di ba?"


Wala raw kaba o takot si Jason Abalos na kapag nanalo ng kahit na anong international beauty title ang girlfriend niyang si Vickie Rushton ay magkakahiwalay sila.

Sabi ni Jason, “Ako po siyempre, gusto ko kung ano yung napag-uusapan namin dati pa, na halimbawa for the past six years kami talaga, na ito yung gusto naming mangyari, magpapamilya

"Siyempre ako, masaya ako kung siya ang makakatuluyan ko.

“Pero kung, sabi ko nga dati pa, hindi mo talaga pupuwedeng alisin sa tao yung kaligayahan niya, e, di ba?

“Kasi, lalo nga sa industriya, ang dami nating kilala na biglang nawawala.”

Ano ang ibig sabihin niya ng "nawawala"?

“Di ba, parang ganun lang kaigsi ang buhay para alisin mo ang kaligayahan ng isang tao, di ba?

"So, kung diyan ka masaya, kahit… kung ikakasaya mo 'yan, sige.

"Di ba? Pero kung magiging tayo at masaya ka sa akin, e, di mas masaya ako, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Catriona Gray at Clint Bondad ay naghiwalay matapos manalo ni Catriona bilang Miss Universe 2019.

Pero puwede rin namang matulad sina Jason at Vickie kina Mikael Daez at Megan Young na going strong ang relasyon kaht nanalong Miss World si Megan noong 2013.

Hindi naman daw niya pini-pressure si Vickie na pakasalan na siya.

Ani Jason, “Gusto ko pong ma-enjoy niya yung pagiging single niya, gusto ko pong wala siyang ibang inaalala kundi yung laban niya lang.

“Ayokong dumating yung panahon na, ‘Kasi pinakasalan mo ako, e!’ Di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa mediacon ng Bihag nitong Lunes, March 25, sa 17th floor ng GMA Network, Quezon City.

Male lead si Jason bilang si Brylle sa Bihag na mapapanood na simula Lunes, April 1, kapalit ng My Special Tatay na magtatapos ngayong Biyernes, March 29.

HAPPY FOR VICKIE'S ACHIEVEMENTS

Pangalawang pagsali na ni Vickie sa Binibining Pilipinas this year. Last year ay 1st runner-up ito sa una niyang pagsali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Banggit namin kay Jason, si Pia Wurtzbach ay sa pangatlong pagsali nagwagi bilang Miss Universe Philippines at, eventually, nagwagi ring Miss Universe 2015.

Kaya malaki ang tsansa ni Vickie na manalo na.

Sabi naman ni Jason, “Iba nga po yung aura niya ngayon!

"Last year, parang medyo nahihiya-hiya pa siya, ngayon, confident na.”

Never daw niyang pinigilan si Vickie na muling sumali sa Binibining Pilipinas.

“Masaya ako sa bawat achievement niya sa buhay.

"Sino bang mag-iisip na… kasi kami parehas kaming galing probinsiya, na nandito kami sa Manila, nangangarap.

“Di ba, kapag napagtagumpayan ninyo lahat, nakuha ninyo lahat ng pangarap ninyo, na nagsimula kayo sa wala, di ba ang saya?”

Taga-Nueva Ecija si Jason at si Vickie naman ay taga-Bacolod.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN