Pauleen Luna has not yet said "yes" to suitor Mayor Sherwin Gatchalian


"Siguro ‘yung pagiging humble niya at matalino. Harvard graduate, e. Tapos, nag-Master pa sa China. Pero sa pisikal, wala. Para nga lang tambay ‘yon sa kanto, e, napakasimple. He looks clean but he is not strikingly handsome. Isang matangkad [he stands 6'1"] na Intsik na lalake. Pure Chinese sila," Pauleen Luna describes the qualities of Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.



"Exclusively dating!" ang pahayag ni Pauleen Luna sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makaharap namin siya sa unang press conference ng My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment last Saturday, July 28, tungkol sa balitang sila na ng mayor ng Valenzuela City na si Sherwin Gatchalian.



Hindi pa naman daw sinasagot ni Pauleen ang pulitiko na matanda sa kanya ng 15 years; Pauleen is 18 years old while Sherwin is 33. Paano ba sila nagkalapit nito?



"Magkakilala naman ang mga pamilya namin. Actually, naging mayor din noon ang lolo ko [Gerry Angeles]. So, one time na may occasion at pumunta ako, nandoon ang family ko and siya [Sherwin] rin and his family. Dun na kami nagkakilala. Ang Mom ko ang nagpakilala sa akin sa kanya.



"Nanligaw siya sa akin last February this year. And I started seeing him lang noong June, kasi he got busy na with the campaign. Siyempre, natakot din naman ako na baka gamitin ako sa kampanya. Joke!



"Kidding aside, ako rin naman, noon pa, ini-invite na rin to run as councilor sa bayan namin in Bulacan where I grew up. Kaya lang, hindi ko linya talaga ang politics. Gusto kong makatulong, yes. Kaya ngayon, meron kaming mga projects na gagawin ni Sherwin para sa mga bibisitahin naming orphanages. Doon kami magsisimula," narrates the young actress.



Ang sinasabi bang "Plastic King" (dahil isa sa marami mga business ng pamilya ni Sherwin ay mga gamit na plastic) ang napabalita o na-link din noon kay Angelika dela Cruz?



"Ah, hindi siya ‘yon," paglilinaw ni Pauleen. "'Yung isang brother ‘yon. ‘Yung pangatlo, si Rex. ‘Yung second naman, married na. And si Mayor [Sherwin] ang panganay sa apat na magkakapatid.



"Hindi siya plastic, ha?" natatawa pa niyang pahabol.



So, ano ang pumukaw kay Pauleen para mapalapit ang damdamin niya kay Sherwin?



"Siguro ‘yung pagiging humble niya at matalino," sagot niya. "Harvard graduate, e. Tapos, nag-Master pa sa China. Pero sa pisikal, wala. Para nga lang tambay ‘yon sa kanto, e, napakasimple. He looks clean but he is not strikingly handsome. Isang matangkad [he stands 6'1"] na Intsik na lalake. Pure Chinese sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dahil exclusively dating nga, ibig sabihin hindi na sila makikipag-date pa sa iba. Paano kung mabalitaan niyang meron pa rin palang idine-date na iba si Mayor? O, kinu-kontrol na ba siya ni Mayor at binabawalan sa ilang mga bagay?



"Ako ang kumu-control sa kanya. Hahaha! Subukan niya lang makipag-date o makipagkita sa iba, sisipain ko siya!" biro niya.



Meron na ba silang tawagan sa isa't isa?



"Hindi ko pa naman siya sinasagot, e. Kaya ang tawag ko sa kanya, e, ‘Mayor.' Ako, he calls me 'Pauleen,'" sabi ng young actress.



Siguradong busy si Sherwin dahil sa kanyang katungkulan, kaya paano sila nagkakaroon ng panahon sa isa't isa?



"Very minimal nga lang ‘yung days o time that we spend together," pagsang-ayon niya. "Pumupunta lang kami sa mall. Nanonood ng sine. Kain sa labas. He drives his car [a BMW], walang bodyguards. Kaya ko rin siya nagustuhan dahil napakasimpleng tao nga lang. Walang arte sa katawan."



Has he gifted you with things?



"Alam niya mahilig ako sa bags. Yes, mga signature bags. Little things lang," sagot ni Pauleen.



Kailan naman kaya finally sasagutin ni Pauleen ang kanyang ardent suitor?



"Mangyayari na lang ‘yon and hindi ko naman itatago pa," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN