Jessy Mendiola shuts down possibility of working with Enrique Gil

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola on working again with ex-boyfriend JM de Guzman: "Ako po, willing po ako. Pero siya po ata hindi."


Sinarado na ni Jessy Mendiola ang posibilidad na makatrabaho pa ang kapwa Kapamilya star na si Enrique Gil.

Diretsong sabi ni Jessy, “Mas okay na po siyang ganun.

“Doon na lang po natin iiwan yun.

“Okay na po ako.”

Matatandaang nasangkot sa isang hindi magandang pangyayari sina Jessy at Enrique sa loob ng eroplanong sinakyan nila, noong September 4, 2015, patungong London, England, para sa ASAP Live in London.

WILLING TO WORK WITH JM DE GUZMAN?

Halos kasabay ng kontrobersiyang iyon, nangyari ang hiwalayan ni Jessy at boyfriend nito noong si JM de Guzman. 

Pero katulad ng sinabi niya noong nakaraang taon, handa na raw si Jessy na makatrabaho ang ex-boyfriend na si JM

“Ako po, willing po ako. Pero siya po ata hindi,” saad ng Kapamilya actress. 

Paano niya nasabing hindi pa ready si JM na makatrabaho siya?

Paliwanag ni Jessy, “Hindi po. Nag-a-assume lang po ako.

“Huwag niyo po akong seryosohin. Baka po hindi lang po talaga nagkakataon." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depende na raw sa ABS-CBN management kung pagtatambalin sila ni JM sa isang proyekto. 

“I don’t call the shots, so sa management yun, or sa kung may gustong kumuha sa amin together.

“Sa kanila po yun pero wala pa naman pong pagkakataon na kinuha kami sa isang project, so wala.

“I guess, it’s not meant to be.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa grand media conference ng pelikulang Stranded, kung saan leading-lady siya ni Arjo Atayde.

Ipapalabas na sa mga sinehan ang bagong romantic-comedy film ng Regal Entertainment sa darating na April 10.

JESSY STRONGLY DENIES NETWORK TRANSFER RUMOR

Muli namang nilinaw ni Jessy na wala siyang natatanggap na “feelers” mula sa GMA-7.

Ito ay kasunod ng balitang nakikipag-usap diumano ang kampo niya sa GMA-7 para sa posibleng paglipat niya roon.  

Paglilinaw ni Jessy, “I’m not aware of anything.”

Unang naiulat sa PEP Troika, noong March 26, ang pahayag ni Jessy na wala siyang planong lumipat sa Kapuso network. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya noon, “Para sa akin po, kung mas may trabaho naman po doon, bakit naman hindi, di ba?

“Pero for now kasi, I’m still in touch with ABS-CBN management.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN