Claudine Barretto: “Wala po akong utang kay Miss Jinkee Pacquiao.”

IMAGE @claubarretto on Instagram

Claudine Barretto quashes talk she owes Jinkee Pacquiao big money. Claudine does not say who is behind the talk, but her sister Gretchen Barretto says outright it is their sibling Marjorie Barretto.


"Wala po akong utang kay Miss Jinkee Pacquiao o kanino. So kung sino man yung nagkakalat niyan, alam na namin kung sino."

Ito ang diretsahang pahayag ni Claudine Barretto sa ginawa niyang Instagram Live, nitong March 27, Miyerkules ng gabi.

Kaugnay ito ng kumakalat na tsismis na diumano'y may pagkakautang siya kay Jinkee, maybahay ng boxing champion na si Manny Pacquiao.

Dito ay inilahad ni Claudine na nakarating sa kanya ang malisyosong balita na "baun-baon ako sa utang." 

Lahad ng dramatic actress, "May lumalabas na tsismis na may utang daw ako kay Jinkee Pacquiao, at saka meron kaming business or transaction or trabaho..." 

Bago pa raw lumala ang kumakalat na maling impormasyon, napagtanto niyang kailangang linawin na niya ito. 

“Alam niyo ho, sa una kasi, hindi mo naman talaga papansinin.

“Kaya lang, minsan, kapag hindi mamatay-matay yung tsismis, nakaka-bother na rin."

Nahihiya nga raw si Claudine dahil nadadawit sa isyu ang pangalan ni Jinkee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaklaruhin ko ngayon pa lang, wala po akong kahit anong utang kahit kanino," pagtutuldok ni Claudine sa isyu.

Dugtong niya patungkol kay Jinkee, “Nag-usap kami, and alam niya. Nanonood siya ngayon.

“Nag-usap kami, nag-ask ako ng permission…”

CLAUDINE: "ALAM NA NAMIN KUNG SINO"

Inamin ni Claudine na may ideya siya kung sino ang nagpapakalat na "baun-baon" siya sa utang.  

“Parang hindi maganda yung tsismis na yon.

“Hindi ho ako mayaman, pero hindi rin ako waldas sa pera.

“Sana matapos na yung mga tsismis na yon. Alam namin kung saan nanggagaling.”

Dugtong niya, “So, kung sino man yung nagkakalat niyan, alam na namin kung sino."

Kung may pagkakautang man daw siya kay Jinkee ay hindi pera kundi utang na loob.

“Kasi never nila pinabayaan, lalo na both Manny and Jinkee, hindi nila pinabayaan ang mga anak ko, lalo na nung graduation ni Sabina. Talagang all-out sila sa pagmamahal.

“Kahit gaano sila ka-busy, ganyan, sobra talagang tsine-check nila yung kids ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung utang na loob.”

Mensahe ni Claudine sa kung sino man ang nagpapakalat ng tsismis: “God bless you.”  

JINKEE SPEAKS UP

Habang ginagawa ni Claudine ang kanyang Instagram Live ay nag-send ng comment si Jinkee sa mismong Instagram Live ng aktres.

Kinatigan ni Jinkee ang pahayag ni Claudine, at nilinaw na walang utang na pera sa kanya ang aktres.

Mensahe ni Jinkee: “Mare ipaalam ko lang sa kanila na wala kang utang sa akin.

"At wala din tayong business.

"Masaya ako na friends tayo at kumare kita. I love u mare!”

Matapos ng Instagram Live ni Claudine, nakita naman sa Instagram post ng aktres ang screen shot ng mensahe ni Jinkee, kagabi, March 27. 

Narito ang kopya nito: 

GRETCHEN NAMES SISTER MARJORIE

Samantala, sa comments section ng post ni Claudine, nagkomento ang ate niyang si Gretchen Barretto.

Dito, tahasang pinangalanan ng nakatatandang Barretto ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie, na siya umanong nagpapakalat ng tsismis tungkol kay Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumpiyansa raw si Gretchen na hindi niya pagbibintangan ang veteran entertainment columnists na sina Cristy Fermin at Lolit Solis. 

Buong mensahe ni Gretchen, printed as is: “@jinkeepacquiao Thank you so much for clearing this issue.

"I will be forever grateful to you. i am not blaming my friend tita cristy fermin & tota lolit.

"We investigated & was told that MARJORIE BARRETTO IS THE KNE SPREADING THE (utang issue) Low Blow”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ginawang Instagram Live ni Claudine, may mga pagkakataong pumapasok sa frame si Gretchen at nagbibigay rin ng pahayag.

May mga pahaging si Gretchen sa ginawang paglilinaw ni Claudine tungkol sa taong naninira sa huli.

Tungkol sa isyu ng utang, makahulugang tanong ni Gretchen kay Claudine: “May nagkakalat. Di kaya ate mo?

“Ba’t ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi.”

Sa mga pahayag na ito ay hindi pinangalanan ni Gretchen kung sino ang kanyang tinutukoy.

GRETCHEN'S INSTAGRAM LIVE VIDEOS

Ito ang pangatlong Instagram Live na magkasama sina Claudine at Gretchen, mga magkapatid na anim na taon ding hindi nag-usap.

Ang unang Instagram Live nila ay noong gabi ng February 16, 2019, kunsaan isinapubliko nila ang kanilang pagkakaayos sa isang dinner get-together. 

Sumunod ay noong March 21, kunsaan nagkuwento ang magkapatid kung paano sila nagkaayos matapos ang anim na taong hindi pagkikita. 

Kagabi, March 27, ibinunyag ni Gretchen na may dahilan kung bakit sunud-sunod ang kanilang pagsasagawa ng Instagram Live ni Claudine. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi tinukoy ng dalawa kung ano ang isyu, pero may kinalaman daw ito sa usaping legal.

“One of these days po sasagutin namin ang lahat ng nangyayari because a lot of peple are also curious bakit kami live nang live,” ani Gretchen.

“Meron kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami.

“Ayaw namin ng away. We just want peace. There are things we want to clear.

“There are also some things na kailangan idaan sa lawyer. We’d rather not talk about it yet, para fair din ang trial na yon.”  

Dugtong ni Gretchen, “Claudine wants to clear her name and get justice.”  

Sundot ni Claudine, “Magugulat ho kayo sa pangyayari sa buhay ko.

“Pero may mga panahon na dapat hindi ka na rin quiet.

“Kailangan ng tao na marinig ang boses mo.”

GRETCHEN’S MARCH 21 REVELATIONS

Sa March 21 Instagram Live ni Gretchen, ilan sa mga isyung ibinunyag niya ay may kinalaman sa kapatid na si Marjorie, na mula huling bahagi ng 2014 hanggang ngayon ay hindi pa niya binabati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Gretchen na si Marjorie ang humadlang na mapalapit ang anak nitong si Dani Barretto sa biological father nitong si Kier Legaspi.

Unang nag-react si Gretchen sa pahayag ni Dani, sa YouTube video ng dalaga, na ang ina nitong si Marjorie ang tanging nagpalaki nang maayos sa kanya.

Pahayag ni Gretchen, kasama sila ni Claudine na nag-aruga kay Dani habang lumalaki ito.

Bukod sa tulong na pinansiyal, iginiit ni Gretchen na todo ang pagmamahal niya kay Dani, lalo't ito raw ang itinuring niyang "apple of my eye" noong panahong wala pa siyang sariling anak.

Nagpaabot na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marjorie upang makuha ang panig niya sa mga pahayag nina Gretchen at Claudine.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.  


Stories We Are Tracking

Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie:
Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie: "Never."
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie
Gretchen Barretto opens up about reconciliation with sister Claudine Barretto
Gretchen Barretto opens up about reconciliation with sister Claudine Barretto
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN