Andre Yllana focused on studies rather than showbiz for now

IMAGE Arniel Serato

Andre Yllana: "Parang tingin ko diyan sa pag-aartista at sa pag-aaral, parang girlfriend, e! Hindi puwedeng dalawa, kailangang isa lang.”


On hold muna ang showbiz career ni André Yllana, ang 20-year old son nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Kasalukuyang nag-aaral ang binata sa Don Bosco.

Bawal ba sa school nila ang estudyanteng nag-aartista?

Ani André, “Hindi naman sa bawal. Gusto ko lang din mag-focus sa studies.”

Hindi raw kaya ni André na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.

“Parang ganun na nga, ang hirap, e,” bulalas niya.

May sports din ba siyang pinagkakabalahan?

“Wala naman, pero yung bina-balance [ang studies at showbiz], ang hirap.”

Si Maverick Legaspi, na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, ay nahirapan ding balansehin ang showbiz, school, at basketball.

Ganoon din ba si André?

“Parang ganun na rin," tugon niya.

“Mahirap kasi. Ako, parang tingin ko diyan sa pag-aartista at sa pag-aaral, parang girlfriend, e!  

“Hindi puwedeng dalawa, kailangang isa lang.”

Mas mahal niya ang pag-aaral kaysa sa kanyang showbiz career?

“Hindi naman sa mas mahal ko ang pag-aaral, pero mas binibigyan ko ng pansin yung pag-aaral muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi tingin ko sa industry, siyempre… Hindi naman sa nandiyan lang lagi, kumbaga, siyempre hindi mo naman alam kung sisikat ka, e.

“So kailangan, maganda, may fallback.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa thanksgiving presscon ng kanyang ina na ginanap sa Chateau 1771, sa Bonifacio Global City, noong March 23.

LOVE FOR CARS

First year college na sa kursong Automotive si André.

Ang paggawa, pag-aayos, at pagkukumpuni ng kotse ang kurso ni André, na mahilig sa mga sasakyan.

“Yes, hilig ko talaga.”

Ito ba ang high-end na level ng Automotive course o mekaniko rin siya?

“Mekaniko rin. Hilig ko talaga.”

Ano ang reaksiyon ng kanyang ina na iyon ang kursong gusto niya?

“Nung una, medyo duda si Mommy, sabi niya, ‘Safe ba yun? Siyempre baka mamaya malaglagan ka ng ganito, ganyan?’

“E, in-explain ko naman sa kanya na hilig ko talaga. Inintindi naman ako ni Mommy.”

Ang paboritong kotse raw ni André ay ang bigay sa kanya ni Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Toyota Corolla, model 1998.

“Simula bata ako, pag sinasakyan ko yun, sabi ko, kumbaga, idol ko talaga yung kotse na yun.

“'Tapos nung binigay na sa akin, lalong mas napamahal dahil siyempre dala-dala ko na.”

Kaya kahit may mga bagong modelo na ng kotse…

“Hindi ko ipagpapalit!”

SHOWBIZ CRUSH

Tinanong ng PEP.ph si André kung sino ang kanyang crush sa showbiz, tutal ay wala siyang girlfriend ngayon.

Sagot niya, “Marami, e!”

Pinaka…

“Pinaka siguro si Andrea Brillantes.”

Nagkakilala na raw sila ni Andrea sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Nakalabas na si André sa ilang shows ng ABS-CBN tulad ng Gandang Gabi Vice at iba pa.

Dapat sana ay may isang  TV drama project na gagawin sina André at Aiko, pero hindi iyon natuloy

At ang sabi ng mommmy niya ay hindi kaya ni André makaeksena sa isang drama project si Aiko.

Pag-amin ng binata, “Naaano kasi ako, e. Actually, medyo nai-intimidate ako kay Mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, mahusay na actress si Mommy, so hindi ko alam kung anong magiging hitsura ko pag katabi ko siya!” natatawang sabi ng binata.

“Siyempre baguhan ako.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN