Becky Aguila: "Hindi ako puwedeng mag-demand kay Mother Lily."


"Mahal ko si Mother Lily. Nirerespeto ko si Mother," says controversial manager Becky Aguila (right) about the Regal matriarch (left).



Naikuwento ni Mother Lily sa presscon ng My Kuya's Wedding last Saturday, July 28, sa Imperial Palace Suites ang nasasaloob niya tungkol sa kontrobersiyal na manager na si Becky Aguila at sa alaga nitong si Angel Locsin.

"Actually, Angel has a movie with Dennis Trillo but it seems nababasa ko sa publicity, sabi ni Ma'am Becky [laughing], wala na akong kontrata, that's why she demanded na ‘Mother, I want to see you on Friday. My schedule is from 5 to 8 p.m. at EDSA Plaza Shangri-La,'" sabi ni Mother Lily.

Ano ang nararamdaman niya sa text na ‘yon ni Becky?

"She's very demanding. She should have not texted me that way," sagot ng Regal matriarch.

Sinabi pa ni Mother Lily na magharap na lang daw ang lawyer niya at ang lawyer ng Star Cinema para makita ‘yung kontrata ni Angel na exclusive pa rin ito sa Regal. Kung saka-sakali kasing matuloy ang paglipat ni Angel sa ABS-CBN ay posibleng maging exclusive na rin si Angel sa Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya Network.

BECKY'S SIDE. Samantala, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Becky sa pamamagitan ng overseas call upang kunin ang kanyang panig sa mga pahayag ni Mother Lily. Ayon sa kontrobersiyal na manager, wala raw siyang intensiyong makipag-away kay Mother Lily.

"Mahal ko si Mother Lily. Nirerespeto ko si Mother," aniya.

Ipinaliwanag ni Becky na ang text message na binanggit ni Mother Lily ay pangalawang text na raw niya.

Ang una raw text ni Becky ay, "Mother, are you available on Friday?" pero hindi raw sumagot si Mother Lily. Gusto raw sana niyang makausap si Mother Lily bago siya umalis papuntang London para magkaliwanagan sila sa contract ni Angel sa Regal.

Alam naman daw niyang busy si Mother Lily at busy rin siya kaya sinabi lang niya ang availability niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako puwedeng mag-demand kay Mother dahil alam ko namang producer siya ng mga artista ko," sabi ni Becky.

"I called Mother the day I arrived from the States requesting for a meeting. I left a SPA [Special Power of Attorney] with my lawyer [Atty. Joji Alonzo] to negotiate with Mother regarding the Regal contract compromise agreement. Unfortunately, Mother did not reply. Guess she was too busy that time.

"Upon arrival in Manila from San Francisco, I called up Mother and requested for an appointment. Mother said, she'll take a look at her schedule and will get back [to] me the soonest. I made it clear that I was leaving for London and it would be nice if she could give me some time for us to talk and settle.

"She said, ‘Sige Bekbek, check ko sked ko. I'll let you know.' I waited and got no call from Mother. So, I texted and suggested if she was available on the dates that I specified in my message as to match with ours as well. I really wanted to finish up with Mother before I left for London but she didn't get back [to] me. I left for London without seeing Mother. I was not demanding at all. Si Mother naman... kailan ba ako nag-demand sa Regal?

"Sa text, marami talaga ang nagkakaroon ng misunderstanding at iba talaga pag nakapag-uusap kami in person," sabi ni Becky.

RIFT WITH GMA-7. Samantala, tinanong din namin si Becky tungkol sa mga naglalabasang isyu pagkatapos niyang kumpirmahin na aalis na sa bakuran ng GMA-7 si Angel.

"I really cannot express how deeply sad I am now by what's happening. I know I hurt them [GMA-7] and to hurt them more is the last thing on my mind now," deklara niya.

Ayon pa kay Becky, first move daw nila ang pagpapadala ng letter sa GMA-7 na hindi na sila pipirma ng panibagong kontrata. Pero plano naman daw nila talagang makipag-usap sa pagbabalik ni Angel galing ng London para pormal na makapagpaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yung sinasabing negotiation behind their backs, parang inappropriate because kailangan ko pa bang magpaalam tungkol sa negosasyon na ‘yon while we sent na nga a letter stating that we're not accepting their offer?

"I know na hindi talaga madali para sa kanila ang naging desisyon naming ito. But this is the decision we made and we stand by it. Kung nasunog ko man ang tulay tulad ng sinasabi nila, labis ko itong ikinalulungkot because it's the least of my intentions," deklara pa ni Becky.

May statement din siya sa pagkakadamay ng isa pa niyang alaga na si Jennylyn Mercado sa gulong ito. Nakarating na sa kanya ang balita na pinalitan na si Jennylyn ni Yasmien Kurdi bilang bida sa Pasan Ko Ang Daigdig. Pero ayon naman sa GMA-7 ay first choice talaga si Yasmien sa naturang role at lumabas na lang ang pangalan ni Jennylyn lately.

"Sana lang, hindi madamay ang mga talents ko lalong-lalo na si Jen. Wala silang kinalaman dito. Jen is under contract with GMA Artist Center, and in a way ay obligasyon din naman nilang bigyan ng trabaho ang bata. She's the breadwinner of the family at kailangan niyang kumita," pagtatapos ni Becky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN