Niña Jose not interested in reviving showbiz career

IMAGE Courtesy: Wenchie Artacho on Facebook

Former PBB Teen Edition 1 housemate Niña Jose is now happily married to Bayambang Pangasinan Mayor Cezar Quiambao. The two got married in November 2017 at the town's cathedral.


Hindi na raw sumasagi sa isipan ng dating aktres na si Niña Jose ang magbalik-showbiz ngayong happily married na siya at tumatayong First Lady ng Bayambang, Pangasinan.

Si Niña ay napangasawa ni Cezar Quiambao, ang alkalde ng nasabing bayan.

Si Mayor Cezar ay isang bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng information technology company na Stradcom Corporation, bago pa ito nagdesisyong sumabak sa pulitika noong 2016.

Ikinasal ang dalawa sa Bayambang Cathedral noong November 17, 2017, matapos ang ilang taong pagsasama.

Sa panayam ng Philippine Star kay Niña na lumabas ngayong araw, March 28, sinabi ng ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 1 (2006) housemate na ini-enjoy niya ngayon ang pagiging ina ng bayan ng Bayambang.

Naka-focus na rin daw ang kanyang panahon sa pag-aalaga ng kanyang pamilya at sa tatlong taong gulang nilang anak na si Antonio.

Kuwento pa ng 30-anyos na si Niña, “I am happy, contented and very blessed so there’s nothing more I could ask for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To be honest, nami-miss ko din talaga ang showbiz but my desire to focus on my family and supporting my husband is stronger.

“What's good is I can always visit my friends who are still in showbiz or I (send them a) text when I want to watch them or I have talks to produce a movie.”

Kahit na hindi na aktibo sa showbiz, madalas pa ring nagba-bonding sina Niña at ang mga ka-batch niya dati sa PBB.

Dalawang taon na ang nakakaraan, inimbitahan pa nga niya ang mga ito para maranasan nilang magdiwang ng kapaskuhan sa kanilang lugar.

Lahad niya, “Every Christmas, we have a Paskuhan fair in the town plaza and so I invited them to have dinner here two years ago.

“It was also the first time for all of us to be together after 10 years and they all agreed to come here and we had a 3 a.m. breakfast. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They enjoyed the experience, masaya lang kami lahat.”    

NIÑA AS PRODUCER?

Pero, kahit busy na raw siya sa kanyang pagiging public servant, nasa dugo pa rin naman ni Niña ang showbiz.

Kaya naman naghahanap siya ngayon ng magandang material upang kanyang puhunanan.

Kung saka-sakaling gumawa siya ng pelikula, gusto raw niyang sa Bayambang ang setting nito. 

Paliwanag pa ni Niña, “I'd also like something different and truly entertaining.

“It would be better if the setting is here but I'm also open to do it in other places, anywhere. 

“Sa acting talaga parang hindi na. But working behind the scenes is a possibility. Hopefully, one day tahakin ko yun.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN