Keempee de Leon admits drinking alcohol due to depression

IMAGE Noel B. Orsal

Keempee de Leon reveals that he got into depression for two years. "Katulad ng ibang tao, di ba, pag namomroblema, yung alcohol, iinom para makalimot," he says.


Inamin ni Keempee de Leon, 46, na ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa alak nang magkaroon siya ng depression.

Pero nilinaw niyang hindi siya umabot sa puntong nalulong siya rito at naging masamang bisyo.

“Hindi naman sobrang alcoholic. I got into depression for two years.

"Dumating po ako sa point na ‘yan,” pangungumpisal ni Keempee sa guest appearance niya sa Tonight With Boy Abunda, nitong Huwebes, March 28.  

Patuloy ng actor-TV host, “Katulad ng ibang tao, di ba, pag namomroblema, yung alcohol, iinom para makalimot.

"So, dumating ako sa point na ganun."

Nilinaw ni Keempee na hindi umabot sa puntong humingi siya ng tulong sa isang eksperto dahil naging alcoholic siya.

“Alam ko po ang limitations ko,” saad nito.

Isiniwalat din ni Keempee kung paano niya ito nalampasan.

“Dasal. Merong message dun ang pastor na huwag nating sisirain ang buhay natin.

“Kailangan enjoy-in natin ‘to. Kailangan sa magandang paraan.

"‘Oo nga, ‘no? Bakit ko kailangan… ginagawa ito na nagmumukmok ako?’ I have to move on.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEMPEE ON IT’S SHOWTIME

Inamin din ni Keempee na nakaramdam siya ng takot nang mag-guest siya sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime kamakailan.

Bago ang kanyang paglipat sa Kapamilya Network, naging Eat Bulaga! host si Keempee sa loob ng 14 na taon.

“Na-excite naman ako. I got to see old friends like si Vhong [Navarro], and si Vice [Ganda], sila Jugs [Jugueta], sila Teddy [Corpuz].”

Mismong si Keempee raw ay nagulat na lumabas siya sa It’s Showtime.

"Di ko kasi alam ang magiging reaction ng crowd. So, medyo nandun yung ninenerbiyos ako."

Maging si Mariel Rodriguez daw ay nagulat nang makita si Keempee.

Sinabi rin ni Keempee ang dahilan kung bakit siya natakot.

“Nanggaling po ako sa kabila,” sagot niya.

Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang mga kaibigan sa Eat Bulaga! nang mag-guest siya sa It's Showtime?

“Wala naman po akong narinig na reaksiyon from them, pero yung mga tao, sabi ko, ‘Choice ko po yun,’ sabi ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa pagtatapos ng interview ni Keempee sa Tonight With Boy Abunda ay naging emosyunal siya.

“I’d like to take this opportunity, maraming salamat po sa ABS, thank you po,” sambit niya.

Iniisa-isa rin ni Keempee na pinasalamatan ang ilang Kapamilya executives, gayundin ang executives ng business unit ng kinabibilangan niyang teleserye, ang Nang Ngumiti Ang Langit.

Ito ang pagbabalik ni Keempee sa ABS-CBN pagkatapos ng 16 taon.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN