Ara Mina on Cristine Reyes rumored separation: "Welcome to the club!"

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina (left) on sister Cristine Reyes's (right) rumored separation from Ali Khatibi: "Matalino naman ang mga tao, what you see is what you get. We don’t need confirmation."


“Welcome to the club!”

Ito ang pabirong pahayag ni Ara Mina nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters tungkol sa patuloy pa ring tsismis na paghihiwalay ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes at asawa nitong si Ali Khatibi.

Muling umingay ang isyung ito nang magbitaw ng salita si Cristine sa programang Headstart ni Karen Davila at napag-usapan ang relationship status nila ni Ali.

Ang tanging sagot ni Cristine: “We’re civil.”

Bukod pa rito, nauna na ring nadulas si Ara nang magkuwento ito sa bonding moments nilang pamilya kasama ang kanyang nakababatang kapatid, na hindi nila magawa mula noong magkaroon na ito ng sariling pamilya.

Patuloy pa ring saad ni Ara, “Basta, sabi ng kapatid ko, I just found it today na civil sila, so...

“E, niloloko nga nila ako na ano raw ang masasabi ko na single moms na raw kami.

“Pero hindi ko alam kung ano yung interview ng kapatid ko, hindi pa kami nagkakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, wala akong sinasabi na...

“Lagi kong sinasabi na, matalino naman ang mga tao, what you see is what you get.

“We don’t need confirmation.

“Basta nandito ako for my sister.

“Hindi ako... basta, nandito lang ako lagi for her.”

Mas maganda ba para kay Arana naghiwalay ang kapatid niya at si Ali?

Natatawang pag-iwas ng 49-year-old actress, “Hindi ko alam. Hindi ko alam. Basta… di ko alam.”

Sinuportahan ni Ara ang premiere night ng ng unang action movie ni Cristine, ang Maria, na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma Mall, sa Quezon City, noong March 25.

CRISTINE, THE ACTION STAR

Sobrang proud daw si Ara sa pagiging action star ni Cristine, na pinahanga nang husto ang audience na nanood sa premiere showing nito.

Halata namang pinaghandaan ito ni Cristine

Pagmamalaki ni Ara, “Nakaka-proud, kasi ang galing-galing niya!

“Maganda ang pagkakagawa, and it’s not the typical Pinoy action film na para siyang international.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, siyempre ang kapatid ko, kaya bagay na bagay.”

Yung mga routine nga raw ni Cristine sa Maria ay hindi nagawa ni Ara nang gumawa siya ng action films noon.

Sabi niya, “Well, iba ang action noon, e. Iba yung action movies ngayon... yung panahon ngayon.

“It’s a very challenging [role] kung makakagawa rin ako ng ganun, but I need to be fit and I have to diet.

“Nag-action din ako ng mga konti-konti. Meron din akong role na pulis ako, e.

“Iba ang fight scenes noon.

“Heto [Maria], iba, e. Very foreign na may kasamang martial arts, e.

“Si AA naman, ipinapakita naman niya sa social media posts niya yung trainings niya.

“Nagdyu-jiu jitsu naman siya before so, more or less, gamay na niya.

“Nadyi-gym ‘yan, nagra-running.”

Kaya nga raw hindi siya nagtaka kung bakit ganoon na lang ka-effective si Cristine sa kanyang role bilang isang dating miyembro ng sindikato na hired killer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN