Jessy Mendiola waiting for Luis Manzano wedding proposal

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola ready for motherhood, but... "Baka po puwedeng kasal muna bago baby pero everything happens at the right time, so basta... I believe everything will fall into place if ever man magkaroon ng blessing na ganun, bakit naman hindi.”


Magtatatlong taon na ang relasyon nina Jessy Mendiola, 26, at Luis Manzano, 37, sa June 2019.

Dahil dito, marami ang umaasang sa simbahan na ang tuloy ng kanilang relasyon.

Aminado naman si Jessy na may marriage plans na sila ng nobyo.

Sabi ng Kapamilya actress, “Mayroon po, pero it’s just a question of when.”

Dagdag pa niya, si Luis ang nararapat tanungin tungkol sa mga ganitong bagay dahil ito nga naman ang lalaki.

May mga ilang detalye na ba silang napag-uusapan sakaling magpakasal na sila ng boyfriend?

Sagot ni Jessy, “Mayroon po, pero hindi ko pa po muna sasabihin.”

Birong tanong pa sa kanya kung hindi ba niya niyayaya si Luis, e, halos magka-kuwarenta na ito.

Nakangiting sabi ng aktres, “A, e, siya naman po yung lalaki.”

Mayroon ba siyang naiisip na dream wedding?

Natatawang tugon ni Jessy, “Naku, mahirap yun!

"Marami akong... nung una, beach, pero siyempre iisipin mo, laput-lapot [na] mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tingin ba niya ay "physically and emotionally" ready na siya maging misis?

Diretsong sagot niya, “Opo. Ready po ako. Opo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa media conference ng pelikulang Stranded.

Katambal ni Jessy sa pelikulang ito ng Regal Entertainment, Inc. si Arjo Atayde. Ipalalabas ito simula sa April 10.

WEDDING FIRST BEFORE BABY

Sa mga panayam kay Luis nitong mga nakaraang buwan, sinabi nitong marami pang nais gawin si Jessy sa kanyang karera.

Ano naman ang masasabi ni Jessy tungkol dito?

Aniya, “Marami po akong gustong gawin in terms of siguro po sa trabaho, sa career ko, especially now na I really feel I’m actually at my busiest.

“Kung kailan hindi ako nakikita sa TV, mas busy pa ako ngayon, kasi siyempre hindi pala biro ang magsimula ng negosyo.

“Yun siguro, yun po yung sinasabi ni Luis na, 'Hindi pa siya ready dahil marami pa siyang gustong gawin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po muna sanang mag-grow muna yung business ko."

Samantala, gustung-gusto naman ng mga magulang ni Luis na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano na magkaroon na sila ng apo.

Handa na ba siyang magka-baby sakali?

Saad ni Jessy, “Baka po puwedeng kasal muna bago baby, pero everything happens at the right time, so basta...

“I believe everything will fall into place if ever man magkaroon ng blessing na ganun, bakit naman hindi.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN