Khalil Ramos, Gabbi Garcia speak up about going public with their relationship

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia on admitting her relationship with Khalil Ramos: "Mas magaan, actually. Mas totoo sa mga tao. And for us both, siyempre, we can finally go out without questioning us. Nandun yung mga bashers, hindi naman natin mapipigilan. We just really don’t mind them, lalo na itong si Khal."


Sa unang pagkakataon ay sabay na nagpa-interview ang magkasintahang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia pagkatapos nilang umamin tungkol sa kanilang relasyon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor-singer at Kapuso actress-singer sa launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 sa Gloria Maris restaurant, sa Gateway Mall, Cubao Quezon City, Huwebes ng hapon, March 28.

Sina Khalil at Gabbi ang mga bida sa isa sa official entries ngayong taon, ang LSS (Last Song Syndrome) na ididirek ni Jade Castro.

Unang inamin ni Khalil ang tungkol sa relasyon nila ni Gabbi sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda noong July 2018.

Ipinaalam daw ng binata sa Kapuso actress ang tungkol dito.

Kuwento ni Khalil, “Yung nangyari nun, tinawagan ko siya nun.

"Brinief kasi kami… they were briefing me nga na kakausapin ako about Gabbi. 

“And then, I called her on the phone and tinanong ko yung possibility.

“Kasi alam natin na ang daming aminan doon sa Tonight With Boy...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For sure, hindi ako makakatanggi kay Tito Boy. 

“So, she agreed naman na ‘Huwag mo nang i-deny kasi…’"

Singit ni Gabbi, “Sobrang nakakatawa naman tayong dalawa kung magdi-deny pa tayo, di ba?”

Pagsang-ayon ni Khalil, “Kasi, everyone can see us naman, we go public.”

Dagdag ni Gabbi, “Hindi, kasi nothing’s wrong about it. 

“That time naman, I wasn’t doing anything na with the love team. Wala na.

“And GMA released a statement na we’re gonna be working individual na.

“So, parang wala namang masama. 

“So, nung lumabas yun, GMA asked me, ‘Are you okay na with this? Are you okey na with that?’

“Sabi ko, ‘Okay naman po.’”

Ang dating ka-love team ni Gabbi ay ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Bakit sila nag-decide umamin samantalang hindi naman sila magka-love team?

Ayon kay Gabbi, “Siya ang unang umamin, e.”

Sinabi naman ni Khalil na hindi “super importante” sa kanila ni Gabbi na magkaroon ng tambalan onscreen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng Kapamilya star, “Pero kasi, I guess, it’s like nawala yung weight sa shoulder namin na we have to hide.

“Nakaka-pressure din kasi, ‘O, di puwede to, di puwede ‘yan.’

“Whereas, you know, as being open, not really, hindi naman kasi kami yung...”

Pagpapatuloy ni Gabbi, “Yung out na out, oo. 

“Parang pag tinatanong kami, yes, pero we don’t really share everything.

“Hindi naman kami yung public relationship talaga. Hanggang doon lang siguro.”

MORE THAN A YEAR

“More than a year” na raw ang relasyon nina Khalil at Gabbi, na nagsimulang mag-date noong 2017.

Ano ang nabago matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon?

Pahayag ni Gabbi, “Mas magaan, actually. Mas totoo sa mga tao.

"And for us both, siyempre, we can finally go out without questioning us.

"Nandun yung mga bashers, hindi naman natin mapipigilan.

"We just really don’t mind them, lalo na itong si Khal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan ako pa yung tipong, 'Ano ba 'to?' Naapektuhan ako for him.

"'Okey lang ba 'to sa 'yo?' Siya talaga yung wala.”

Ano ang masasabi nila sa ibang showbiz couples na hanggang ngayon ay walang tapang na aminin sa publiko ang kanilang relasyon?

Pahayag ni Khalil, “Communication, I guess, is a huge factor. Kailangan pareho kayong comfortable. 

“I think, the right time, e, mapi-feel niyo naman.

“I know there’s tremendous pressure and all that… career, kumbaga, yung pagma-market ng isang love team, malaking bagay din.”

Ayon naman kay Gabbi, “Yung mga hindi umaamin, it’s their own decision. 

“Maybe they wanna protect the relationship, maybe they just wanna protect themselves, at the same time, enjoy their personal lives. 

“Kami naman kasi, nandun kami sa point na, okey lang, bahala na.

“We’re secured naman na it’s not gonna be a hindrance to our careers and to our individuality.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gabbi Garcia spotted with Khalil Ramos at BGC
Gabbi Garcia spotted with Khalil Ramos at BGC
Khalil Ramos denies involvement in breakup of GabRu tandem
Khalil Ramos denies involvement in breakup of GabRu tandem
Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi
Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi
Khalil admits he considered bringing Gabbi to ABS-CBN Ball
Khalil admits he considered bringing Gabbi to ABS-CBN Ball

NO NETWORK WARS

Nagulat ba ang GMA Network at ABS-CBN sa pag-amin nila?

Sagot ni Gabbi, “Actually, when it comes to GMA, I’m sure they respect my own personal life. 

“Yun naman ang maganda sa kanila.

“As long as I focus on my career, on my goals, and my work.

“[Kung] hindi naman siya nagiging problema sa akin, then they support me naman, whichever I want.”

Matagal nang isyu ang network wars o rivalry ng dalawang giant networks.

May possibility bang mag-promote ang isa’t isa sa magkabilang networks, lalo na't mag ginagawa silang pelikula ngayon?

Tugon ni Khalil, “For as long as we get the right permission.

“I mean, everything and anything for the movie, to be able to promote it well to our target audience, siyempre gagawin namin as actors. 

“For as long as it’s totally fine with our networks, why not, di ba?”

Sabi naman ni Gabbi, “Same, as long as GMA approves of it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan na ba sa GMA-7 ang posibilidad na mag-promote si Gabbi sa ABS-CBN kapag malapit nang ipalabas ang pelikula nila ni Khalil?

Ayon kay Gabbi, “I think they’re talking na internal.”

Sabi ni Khalil, “Meron kasing strategy sila kung papayag… let’s see.”

Dugtong ni Gabbi, “Kung papayag sila, I’ll be willing. But if not, I’ll respect it.”

May posibilidad bang isa sa kanila ang lumipat ng network para magkasama sila o magkaroon ng love team?

Nakangiting sabi ni Gabbi, “Unang-una po, ayaw nga po namin yung love team, e. 

“Nag-aano nga po kami na ‘Shucks, love team ba tayo?’ Parang ayaw nga namin.”

Biro ni Khalil, “Nag-iisip nga kami ng name… KaGabbi!”

Natatawang sabat naman ni Gabbi, “KaGabbi! Parang nakakatawa yun.”

Seryosong pagpapatuloy ng Kapuso actress, “Kung magpu-pursue kami bilang pair, siguro kung maganda yung story ‘tapos may isa pang offer, sige, game. Basta maganda ang istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero like a love team talaga na may pangalan, na certified love team, parang pass muna kami diyan.”

GABBI GARCIA’S BIKINI PHOTOS ON INSTAGRAM

Bukod sa paglalantad ng relasyon nina Gabbi at Khalil sa social media, ginulat din ng Kapuso actress ang supporters niya sa paglabas ng bikini photos niya sa Instagram.

Ano ang reaksiyon ni Khalil sa pagpapa-sexy ni Gabbi sa social media?

Saad ng binata, “Well, ako, I guess you could say na whatever Gab wants, yung image that she wants to portray, you know, it’s her actually being real, and I’m totally for that. 

“I don’t think hindi siya nagpapa-sexy. It’s her being comfortable with herself, and that’s beautiful for me—for her to be totally free without any restrictions. 

“She’s just being herself, and I think that’s great.”

May gusto bang patunayan si Gabbi sa pagpu-post niya ng bikini or swimsuit photos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong point na tinanggap mo ang sarili mo na magpa-sexy or magsuot ng bathing suit? Tanong namin kay Gabbi.

Paglilinaw ng dalaga, “Wala, it just pops na lang, e.

“I don’t think na may indication na, ‘Okay, guys, I’m mature, I’m gonna do this.’ Parang wala talaga. 

“Eventually, you’re just really comfortable.

“Siyempre, at first nangangapa ka pa sa showbiz, nangangapa ka pa… nandun pa yung takot. 

“Ngayon, I get to speak my mind more, I get to express myself more, which is good.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN