Vice Ganda gets birthday greetings from President Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo

IMAGE Photo grabbed from It's Showtime

Vice Ganda (center) was obviously shocked when he got birthday greetings from the two highest officials in the country: President Rodrigo Duterte (left) and Vice President Leni Robredo.


Halatang nagulat si Vice Ganda nang makatanggap ng birthday greetings mula sa dalawang taong may pinakamataas na posisyon sa bansa—sina President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Bukas, March 31, ang 43rd birthday ng box-office star.

Ngayong araw, March 30, nagkaroon siya ng birthday celebration sa ABS-CBN noontime show  na It’s Showtime.

Kabilang sa sorpresa sa comedian-TV host ay ang recorded video message mula sa Pangulo at Bise Presidente.

Unang ipinakita ang video greeting ni Vice President Robredo.

Pahayag ng Bise Presidente, “From one Vice to another, happy birthday, Vice!

“Sana bigyan ka pa ng lakas.

“Dasal ko na mas maging maayos ang iyong kalusugan para mas mapasaya mo pa ang mas marami nating kababayan sa mas mahabang panahon.

“Happy birthday!”

Sumunod dito and mensahe ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, “Vice Ganda, you are celebrating your birthday today.

"Ang Vice na walang kasing ganda, who has made so many millions of our Filipino brothers and sisters happy on a regular basis by just watching your program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You made the face of the Filipino very happy.

“I wish you will succeed for more so many years, and that I pray to God that you live for a thousand years.

“Vice, maraming salamat sa tulong mo sa tao, pati sa akin, and ang sinasabi ko, sana tatagal ka.

“Mabuhay, Vice Ganda, walang kasing ganda sa bayan natin.”

VICE THANKS THE PRESIDENT, VICE PRESIDENT

Lubos naman ang pasasalamat ni Vice sa Pangulo at sa Bise Presidente.

Aniya, “Maraming-maraming salamat po, Vice President Robredo, pinag-aksayahan niyo po ako ng oras.

“Mabuhay po kayo. God bless you, at nawa’y mas maging malakas pa kayo nang matagal.”

Mensahe naman ni Vice sa Pangulo, “Si President Digong, maraming-maraming salamat po.

“Sa dami ng pinagkakaabalahan niyo, naisingit niyo pa ang makagawa ng video greeting para sa akin.

"Maraming maraming salamat po, Mr. President."

Pabiro pang banat ni Vice, “Ang ganda ng sinabi niya, ‘Sana magtagal ka pa.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung nagwi-wish sya o pinagbabantaan niya ako.

"Pero I love you, Mr. President.

“I love you, Vice President.

“Maraming-maraming salamat. Mabuhay po kayo.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN