Richard Gomez reacts to "Ormoc Hotties" tag with Vice Mayor Toto Locsin Jr.

May 24, 2016

Video Credit: Reielle Deslate

Nag-react ang bagong proklamang Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez sa biru-biruang marami nang magsisipuntahang kababaihan at mga beki sa Ormoc dahil sa kanya at sa katulad din niyang guwapong vice mayor na si Leo Carmelo "Toto" Locsin Jr.

Tinagurian pa nga silang "Ormoc Hotties" sa social media.

Continue reading below ↓

"Initially baka kami yung tourist attraction sa Ormoc," pagsakay naman ni Goma sa biro.

"Pero eventually, we'll have to fix ang mga structures 'tsaka mga tourism program do'n.

"Well, maganda lang isipin at masaya na maraming tao ang gustong pumunta ngayon sa Ormoc, 'no. Because of yung mayor 'tsaka yung vice mayor magandang mga lalaki. Pero after that, superficial 'yan, e.

"Sana magawa pa namin at maayos pa namin yung tourism program para pagpunta nila do'n, handa na yung Ormoc para sa kanila."

Pero sa seryosong usapan naman, prayoridad daw talaga ng bagong halal na alkalde ang pag-asikaso sa peace and order situation ng Ormoc at pag-ayos na rin sa tourism industry ng nabanggit na lungsod sa Kanlurang Leyte.

Hangad daw kasi niyang mabuksan ang airport ng Ormoc at maging business-friendly city ito.

"Para makapasok yung mga negosyante, 'tapos yung mga tao do'n na walang trabaho, they'll find a chance na makapaghanapbuhay sila," pahayag pa ni Richard.

Continue reading below ↓

Ngayong mayor na siya, may oras pa rin ba si Richard para sa showbiz, lalo na't buhay na buhay na ang fans ng CharDawn love team nila ni Dawn Zulueta?

"Siguro maganda dahil ako yung mayor ng Ormoc, do'n tayo mag-shooting sa Ormoc, 'di ba? Para makita naman ng tao kung gaano kaganda yung lugar namin," mungkahi ng aktor-pulitiko.

Aminado si Richard na mababawasan ang oras niya sa showbiz lalo na't maglilingkod na siya sa lungsod ng Ormoc bilang alkalde.

Pero ulit niya, "Kung gusto nila, maganda mag-taping at mag-shooting sa Ormoc."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results