Jason Abalos nixes offer to run as Nueva Ecija board member

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Jason Abalos narrates why he turned down the opportunity to run for a political post in his hometown, Nueva Ecija: “Kinukuha ako ng isang congressman bilang Bokal. Sabi ko, ‘Kakapirma ko lang po sa GMA.’"


Isang taon at limang buwan na sa GMA-7 si Jason Abalos.

Galing siya sa ABS-CBN.

Kumusta na ang pagiging Kapuso niya?

Pagpapasalamat niya, “Siyempre binibigyan po ako ng trabaho, di ba?

“May nagtanong nga po sa akin kung ano pa yung hinihiling kong role, kung ano pa ang gusto kong gawin.

“Sabi ko binibigyan na po ako ng trabaho, kalabisan na kung manghihingi pa ako sa kanila ng ano, di ba?

“Parang ako, malaking pasalamat na ako na hindi nila ako nakakalimutang bigyan ng trabaho.”

Sunud-sunod naman ang proyekto niya sa GMA.

Ngayon nga ay male lead si Jason bilang si Brylle sa Bihag na mapapanood na simula Lunes, April 1, kapalit ng My Special Tatay na magtatapos ngayong Biyernes, March 29.

Female lead sa Bihag si Max Collins bilang si Jessie, at tampok rin din dito sina Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda, Sophie Albert bilang Reign, Raphael Landicho bilang Ethan at Neil Ryan Sese bilang Amado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Bihag ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

NOT YET READY FOR POLITICS

Samantala, may nag-alok pala kay Jason na tumakbo bilang Board Member sa Nueva Ecija.

Kuwento niya, “Kinukuha ako ng isang congressman bilang Bokal.

“Sabi ko, ‘Kakapirma ko lang po sa GMA.’

“So ngayon po ang lumalaban ngayon dun, yung tatay ko.”

Bawal kasi ang isang artista na lumabas sa isang show sa TV kapag tumatakbo ng puwesto sa pulitika at kasali na nga si Jason sa Bihag.

Patuloy niya, “Sabi ko hindi kasi ako handa talaga, e.

“Sabi ko, ‘Pa, kung gusto mo, ikaw na lang.

“'Kung ano, susuportahan kita hangga’t kaya ko.’

“Kasi nagkataon talaga na may ginagawa kaming show.”

HELPING OUT FOR DAD'S CAMPAIGN

Gagawan daw ng paraan ni Jason na makauwi para makatulong sa kampanya ng ama.

Pero si Jason ba mismo ay may hangaring tumakbo?

Giit niya, “Sa ngayon, wala.

“Nae-enjoy ko pa yung showbiz, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron siguro dahil sino ba ang ayaw magmahal sa bayan, di ba?

“Parang ikaw talaga, ang gusto mong mangyari, maging progressive ang bayan mo, di ba?

“Para lahat kayo makikinabang talaga.”

Unang beses daw ng ama ni Jason sa tumakbo sa pulitika.

Lahad niya, “Naging kapitan siya.

“Tapos na, nung nakaraang eleksyon, 'tapos ngayon tatakbo siya.”

Handa ba si Jason na intrigahin ang tatay niya at gamitin si Jason para siraan sila dahil artista si Jason?

Saad niya, “Kasi nga po si Papa mas kilala sa amin sa Nueva Ecija kesa ako.

“Sa Pantabangan po kami.

“Dahil naging City Engineer siya ng San Jose, Nueva Ecija.

“So yung mga... kumbaga mas may respeto yung mga tao sa kanya, kesa sa akin,” at tumawa si Jason.

“Kilala kasi, Engineer, e.

“Parang nagbibigay ng trabaho sa mga kababayan.

“E, ako kasi alam na maloko ako, e...

“Na luku-lukong bata lang, di ba,” at muling tumawa ang Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman isinasara ni Jason ang pinto na balang-araw, sa tamang panahon ay siya naman ang papasok sa pulitika.

Paniniguro niya, “Ako naman, kumbaga, ang pupuntahan ko, dun pa rin sa bayan ko kung saan ako ipinanganak e, di ba?

“Doon pa rin ako uuwi kahit ano ang mangyari.”

Doon ba sa Nueva Ecija nila balak ng kasintahan niyang si Vickie Rushton na bumuo ng pamilya?

“Ang gusto sana namin may bahay sa Pantabangan, may bahay sa Bacolod, may bahay sa Manila,” pagtatapos niya.




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN