Maricel Soriano in high demand, does four movies for 2007


"May taon na wala ako sa pelikula, puro TV lang. Ngayon naman buhos. Ang gaganda naman kasi ng mga naibibigay sa akin ngayon paano ka tatanggi?" says Diamond Star Maricel Soriano.



When it rains, it pours.

Busiest year ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang 2007. Last seen on the big screen for a mainstream movie sa Filipinas ng Viva Films three years ago, although may Inang Yaya siya last year, makaka-apat na pelikula ngayong taon si Marya—two independent and two mainstream.

Naipalabas na ang dalawang independent movies ni Marya, ang Numbalik Diwa at Paraiso. Malapit nang ipalabas ang A Love Story ng Star Cinema at entry naman sa 2007 Metro Manila Film Festival ang Bahay Kubo ng Regal Entertainment.

Tinatayang ma-nominate na naman siya sa kanyang performance sa Paraiso as a mother na namatayan ng anak during the landslide na nangyari sa probinsiya nila. For this, Maricel is thankful.

"Pagkababa ko pa lang ng script, mugtong-mugto na ang mata ko. Sabi ko gagawin ko ito, huwag na nating pag-usapan ang presyo. Libre na," sabi ni Marya during the contract signing with Regal for the movie Bahay Kubo.

Sa ngayon, nagsisimula na ang promotion ng A Love Story, together with Aga Muhlach and Angelica Panganiban, directed by Maryo J Delos Reyes.

Magsisimula na rin siyang mag-shooting ng Bahay Kubo kung saan makakasama niya sina Mark Herras, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, and Rayver Cruz, sa direction ni Joel Lamangan.

"Makaka-apat pala ako ngayong taon na ito," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"May taon na wala ako sa pelikula, puro TV lang. Ngayon naman buhos. Ang gaganda naman kasi ng mga naibibigay sa akin ngayon, paano ka tatanggi?

"At least, fulfilled ako. Nakapag-independent na ako, nakapag-Unitel na, ngayon balik Star Cinema at Regal Films ako, how can I say no?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN