Jayda Avanzano thanks Darren Espanto for defending her against bashers

IMAGE Courtesy of 3C'S GLOBAL

Jayda Avanzado denies copying Ylona Garcia: "Hindi po. I'm focused on being true and authentic to myself both as an artist and as a person."


Malaki ang pasasalamat ni Jayda Avanzano, 15, sa kaibigan at kapwa singer niyang si Darren Espanto, 17, sa pagtatanggol nito mula sa mga bumabatikos sa kanya sa social media.

Nitong nakaraang Huwebes, March 21, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) ang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado tungkol dito sa EVA NYC & Kiss Exclusive New York Block Party na ginanap sa SM Aura, Bonifacio Global City.

Pahayag ng baguhang singer, "I'm very appreciative and I'm very thankful to have a friend like Darren.

"And I'm just thankful for the love and support that I've been getting from everybody else."

Matatandaang nitong March 7, mismong si Jessa ang sumagot sa isang basher ni Jayda na natukoy bilang isang fan ni Darren.

Inakusahan ng nasabing basher na ginagaya umano ni Jayda ang kapwa ABS-CBN talent na si Ylona Garcia.

Sa pakikipagpalitan ng tweets ng naturang fan ni Darren sa isang kaibigan nito, umabot pa sa puntong sinabihan nito si Jayda ng "kill that girl" laban kay Jayda, dahilan upang lubos mag-alala ang mag-asawang Jessa at Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol naman ni Darren si Jayda sa Twitter and sinabing, "Please RESPECT JAYDA and STOP THE HATE."

NOT COPYING ANYONE

Samantala, itinanggi rin ni Jayda ang paratang na ginagaya umano nito si Ylona.

Aniya, "Hindi po. I'm focused on being true and authentic to myself both as an artist and as a person."

Pahayag pa nito, "I feel like, part of it is being in showbiz. Hindi maiiwasan to be compared. 

"But I don't have much to say on that."

Alam ni Jayda na makakatanggap ito ng samu't saring komento bilang isang artista lalo na sa social media, kaya naman handa na ito sa mga negatibong komentong matatanggap niya.

"I think it's something that I was kind of aware that it comes with it when you step into the business.

"But I think, you know, to a certain extent, you have to get used to it."

Dagdag pa nito, "That still doesn't justify that people should be able to be allowed to do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think people should be held accountable for their actions."

Paano naman kaya siya nagre-react sa mga negative comments na natatanggap niya sa social media?

Sagot ng Kapamilya singer, "It depends on what it is, but as much as possible, I don't let it get to me

"But if it's constructive criticism, I try to use it to better myself as a person and as an artist."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN