Joyce Pring thanks Juancho Trivino for being a constant in her life

IMAGE Juancho Trivino Instagram

Kapuso host Joyce Pring thanks Juancho Trivino for showering her with his unconditional attention.


Isa sa mga in-demand host ngayon si Joyce Pring.

Bukod sa pag-host nito ng kanyang segment sa GMA-7 morning show na Unang Hirit, may iba pa siyang hinu-host na events sa gabi tulad ng mga media at corporate events.

Nagpapasalamat si Joyce sa mga blessings na dumating sa kanyang career, pero hindi niya itinatanggi na nakakaramdam na siya ng matinding pagod.

Isa sa pinapasalamatan ni Joyce ay ang pag-aalaga na ginagawa sa kanya ng UH co-host at manliligaw niyang si Juancho Trivino.

Sa pinost ni Joyce sa Instagram account niya noong nakaraang March 22, nasabi niya na isang blessing na makilala niya si Juancho dahil sa mga magagandang nagawa na nito para sa kanya.

Bukod sa lagi siyang kinukumusta at pinadadalhan ng pagkain, nagagawa rin daw ni Juancho na samahan si Joyce sa mga lakad niya at minsan ay pinagmamaneho pa siya kapag sobrang pagod na siya.

Ramdam nga raw ni Joyce ang sincerity ni Juancho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Heto ang post ni Joyce:

Laging inaabangan ang tambalang #Juanchoyce dahil sa mga nakakakilig moments nila sa kanilang segment sa Unang Hirit kunsaan pinupuntahan nila ang iba’t ibang vacation spots ngayong summer.




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN