Jim Paredes changes settings of FB, IG accounts amid alleged video scandal

IMAGE Courtes: Jim Paredes on Facebook

Former APO Hiking Society member Jim Paredes remains silent after denying he is the man in a viral video scandal.


Naka-private na ang karamihan sa Facebook posts ng veteran singer na si Jim Paredes matapos itong madawit sa isang video scandal.

Ngayong gabi ng April 1, Lunes, nasa Top Trending Topic pa rin sa Twitter ang pangalan ng dating miyembro ng APO Hiking Society.

Kaninang umaga, available pa ang latest posts ni Jim sa kanyang Facebook account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ngayon ay naka-private na ang mga ito.

Samantala, pagkatapos ng dalawang tweets kung saan itinanggi niyang siya ang nasa video scandal, hindi na muli nagparamdam si Jim sa kanyang followers sa Twitter. 

Bago ito, aktibo sa Twitter ang 67-year-old singer kung saan mayroon siyang 1.75 million followers.

Ginawa ring private ni Jim ang kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaninang umaga ay naka-public pa ito, kung saan sa latest post ni Jim ay kinuyog na siya ng mga tanong mula sa netizens tungkol sa nasabing video scandal diumano niya.

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Jim sa pamamagitan ng kanyang Facebook kaninang umaga, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN