Sylvia Sanchez thanks Maine Mendoza for speaking up for Arjo Atayde

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez (right) is all praises for Maine Mendoza for sticking with son Arjo Atayde: "Hindi natakot si Maine at pinanindigan din niya ang alam niyang tama."


“Yes.”

Ito diretsong sagot ni Sylvia Sanchez, 47, nang tanungin kung gusto ba niya si Maine Mendoza, 24, para sa kanyang anak na si Arjo Atayde, 28.

Nagpaliwanag din si Sylvia kung bakit boto siya sa Kapuso star para sa kanyang anak na aktor.

“Nag-usap lang kami.

"Sinabi ko kay Arjo, ‘Bakit mo nagustuhan si Maine?’

"Sagot ni Arjo, ‘Swak kaming dalawa. Nagkakaintindihan kami.’

"Napapatawa siya ni Maine, at minahal niya talaga si Maine.

“Mahal talaga ng anak ko si Maine. Nakikita ko yun,” pahayag ni Sylvia sa panayam niya sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, April 1, Lunes ng gabi.

Sa kabila ng pambabatikos na natatatanggap ni Arjo dahil sa pagkaka-link niya kay Maine, sigurado raw si Sylvia na hindi isusuko ng anak ang pagmamahal nito kay Maine.

“Anak siya ng tatay niya. Ilalaban ni Arjo si Maine. When in fact, nilaban na,” ani Sylvia.

Hindi naman nakasagot si Sylvia nang tinanong ng host na si Boy Abunda kung magkasintahan na sina Arjo at Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE TO MAINE MENDOZA

Malaki ang pasasalamat ni Sylvia kay Maine dahil sa kabila ng pambabatikos ng mga tao kay Arjo, nagsalita ang Kapuso star kahit maaaring masira ang career nito.

Mensahe ni Sylvia sa Eat Bulaga! host, “Nasa top ka, Maine Mendoza ka, hinahangaan ka, grabe yung career mo, at alam natin na puwedeng maapektuhan ‘to, alam natin yun.

“Pero nilaban mo ang anak ko.

“Nagsalita din siya na, ‘We’re exclusively dating.’ Nagpapasalamat ako.

“Kasi yun ang sinabi ng anak ko, sinegundahan niya.

“Kasi ang daming nagsasabi noon na nangangarap lang ang anak ko, stalker ang anak ko.

“Masakit yun para sa isang nanay. Masakit yun.

“Pero nung sinabi ni Maine yun, na parang, ‘Yes, exclusively dating kami,’ masaya ako.

“Kasi hindi natakot si Maine at pinanindigan din niya ang alam niyang tama.” 

ARJO VISITS MAINE’S HOUSE

Kahit noong 2018 pa nagsimulang ma-link sina Arjo at Maine, inamin ni Sylvia na hindi pa sila nagkikita ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng aktres, “Kasi ang busy ko...

"Nagugulat nga kasi ang daming komento, nangba-bash, ang daming bashers, ganun. Although, hindi naman lahat.

“Busy ako, busy kaming lahat, 'tapos, di ba, ang gulo-gulo…

“Sabi ko, ‘Sige, pag okay na, pag relax na, then go.”

Ang hinahangaan daw ni Arjo sa anak ay ang pag-akyat nito ng ligaw sa bahay nina Maine sa Bulacan.

“Pero ang gusto kong ginawa ng anak ko, pumunta siya sa bahay ni Maine, umakyat siya sa bahay ni Maine, which is dapat ginagawa talaga dapat ‘yan ng lalaki.

“Kasi kahit sinong manliligaw sa mga anak kong babae... so yun ang ginawa ng anak ko.

“So, maghihintay ako sa anak ko kung kailan niya dalhin si Maine.

“At sinabi niya sa akin, ‘Mom, soon… ipapakilala ko na siya sa inyo.’ Sabi niya sa akin, ng tatay niya.”


Stories We Are Tracking

Arjo Atayde opens up about how special Maine Mendoza is to him
Arjo Atayde opens up about how special Maine Mendoza is to him
Sylvia Sanchez says Maine Mendoza good influence on son Arjo Atayde
Sylvia Sanchez says Maine Mendoza good influence on son Arjo Atayde
Arjo Atayde ignores bashers of relationship with Maine Mendoza
Arjo Atayde ignores bashers of relationship with Maine Mendoza
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Benilde's grand homecoming
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Benilde's grand homecoming


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN