Maja Salvador's manager does not meddle in her lovelife


"Si Maja, she's still starting with her career kaya as much as possible gusto ko ay mapunta sa maayos ang lahat. Kaya nga I always remind her about her priorities. Nakikinig naman sa akin ang bata kasi gusto rin niya na maging maganda ang career niya," says talent manager Chit ramos about her prime talent, Maja Salvador.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Maja Salvador na si Chit Ramos at natutuwa ito sa mga nangyayari sa kanyang alaga. Noong una raw kasi ay malaking struggle para mabigyan ng magandang project si Maja. Ngayon ay kabi-kabila na ang mga projects nito.



Si Maja ang matatawag na "It Girl" ng ABS-CBN ngayon. Bukod sa pagwawagi ni Maja ng dalawang acting awards—Breakthrough Performance by an Actress sa Golden Screen Awards at Best New Movie Actress sa Star Awards both for her film debut in Sukob—nagsunud-sunod na ang mga commercial endorsements niya. Isa si Maja sa may pinakamaraming lighted billboards sa EDSA.



Ngayon ay pinakamalaking pelikula ni Maja ang My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment. Nagpapasalamat si manager Chit Ramos dahil ang Regal pa raw ang nagbigay ng malaking movie project sa kanyang alaga kung saan gaganap itong kapatid ni Ryan Agoncillo.



Parati raw pinaaalalahanan ni Chit si Maja na ingatan nito ang kanyang image dahil isang pagkakamali lang ay puwede siyang mapalitan kaagad.



"Sa dami ng artista ngayon, maraming puwedeng pumalit sa ‘yo kapag may ginawa kang palpak, ‘di ba?" sabi ni Chit. "I always remind Maja na sa mga nangyayari sa kanya ngayon, konti pa lang ‘yan, pero at least, nakapuwesto na siya. Kaya ingatan niya ang image niya."



Hindi naman daw sa pinagbabawalan ni Chit na magpaligaw si Maja, pero alamin na lang nito kung ano ang priorities niya ngayon.



"Never naman ako nakikialam sa lovelife ng mga naging alaga ko," aniya. "Ang sa akin lang, pinaghirapan natin ito, alagaan natin. Alamin natin ang priorities mo. Kung ang career, sige pagtulungan natin ‘yan kasi pareho tayong makikinabang. Ngayon, kung lovelife ang priority mo, tigil na natin itong career mo kasi wala kang focus, e.

"Sa showbiz, lalo na kung baguhan ka, isa lang ang dapat na concentration mo. Not unless isa ka nang Sharon Cuneta, Maricel Soriano or Judy Ann Santos na afford na magkaroon ng lovelife kasi okay na ang career nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Si Maja, she's still starting with her career kaya as much as possible gusto ko ay mapunta sa maayos ang lahat. Kaya nga I always remind her about her priorities. Nakikinig naman sa akin ang bata kasi gusto rin niya na maging maganda ang career niya."



Nilinaw rin ni Chit na wala siyang kinalaman sa pagtigil sa panliligaw ni Carlo Aquino kay Maja.



"Like what I said, hindi ako nakikialam," diin niya. "Si Maja na siguro ang nagsabi na tumigil siya kasi nga concentrated ang bata sa career niya. E, ang ibini-build up na ka-loveteam niya ay si Jason Abalos. Hindi nga naman tama kung ang ka-loveteam mo ay si Jason tapos nakikita kang kasama parati si Carlo. It was Maja's decision na maging friends na lang sila ni Carlo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN