Kris Aquino echoes Claudine Barretto statement that they are still friends

IMAGE Cyrus Panganiban / Courtesy: @claubarretto on Instagram

Kris Aquino (left) happy for Claudine Barretto (right) reconciliation with estranged sister Gretchen: "i am happy for her that this bridge has been rebuilt because the TRUTH will always be-'how could we not talk about family when family’s all we got?' Sincerely I am happy for Clau-clau."


Hindi raw nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Kris Aquino at Claudine Barretto.

Ito ang nilinaw ni Kris nang matanong ng netizens kung kumusta ang pagkakaibigan nila ngayon ni Claudine, matapos makipag-ayos ng huli sa estranged sister nitong si Gretchen Barretto.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may malalim na alitan sa pagitan nina Kris at Gretchen.

Tanong ng Instagram user na may handle name na @kimberguardo: “@krisaquino tanong ko lang po ok na ba kayo ni ms Claudine”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kris: “@kimberguardo we have never been not okay.

"I believe she answered that very clearly.

“and i am happy for her that this bridge has been rebuilt because the TRUTH will always be- 'how could we not talk about family when family’s all we got?'

“Sincerely I am happy for Clau-clau. [heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Instagram Live ng magkapatid na Gretchen at Claudine—na nagsimula ng maghahatinggabi ng March 20 at nagtapos ng madaling-araw ng March 21—natanong si Claudine ng kanilang mga kaibigan kung okay ba ang relasyon nila ni Kris.

Maiksing sagot ni Claudine, “Yes.”

KRIS UNFOLLOWS CLAUDINE ON INSTAGRAM

Isa rin sa rason kung bakit natanong si Claudine tungkol sa pagkakaibigan nila ni Kris ay dahil sa pag-unfollow sa kanya ng endorser/web star sa Instagram.

Ngayon, si Kris naman ang natanong ng netizen tungkol dito.

Tila may halong pang-aasar na tanong ng Instagram user na si @joselitojose77: “Bitter ka kasi inanfollow mo si claudine sa IG tulad ng sinabi nya okay kau.ang tanong okay kaba sa kanya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahinahong sagot ni Kris: “@joselitojose77 sir, if I continued to follow and sasabihin nyo naman plastic ako. 

“Habang DEMOCRACY pa ang [Philippine Flag] pabayaan nyo na po ako.

“We can remain friends in real life… following a person on social media isn’t proof of affection.

“Keeping a respectful silence is actually a more sincere gesture.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalagitnaan ng Marso 2019, napansin ng netizens na sa search button ng "Following" sa Instagram account ni Kris, kapag ita-type ang "claubarretto" na account ni Claudine, hindi na lalabas ang kanyang pangalan sa mga pina-follow ng dating Queen of All Media.

Samantala, si Claudine ay nananatiling naka-follow kay Kris.

Nagkasama sina Claudine at Kris sa pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN