Jessy Mendiola learns to care less about negative issues, bashers

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola to her bashers: "Matagal na akong naba-bash, ha, five years na. Hindi ba kayo nagsasawa?"


Kapansin-pansing mas maganda at positibo ang aura ngayon ni Jessy Mendiola.

Nasasabi na ba niya sa sarili ang mga katagang “been there, done that” at tapos na ang depression stage sa kanyang buhay?

“Parang I’m better now, mas natuto na ako," pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"I know better not to be affected with negative things.

"Pero at the same time, kaya siguro happy ako, positive aura ko, because things are really going well.

“I may not be visible on TV but, you know, I’m getting enough and I’m really happy to explore new things.

“Siyempre tayo naman, ayaw nating ma-stuck sa isang bagay.

"And, para sa akin ngayon, ang daming nangyayaring maganda sa buhay ko.

“Nakakatawa nga, kung kailan ako hindi nakikita, saka yun pa ang dami-dami kong ginagawa.

"Siguro kung may teleserye pa ako, nabaliw na ako!”

Gusto raw ni Jessy na balanse lang lahat. Na may oras din siya para matutukan ang business niya pati ang pagba-blog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil marami siyang pinagkakaabalahan ngayon, wala na rin daw siyang time sa bashers niya.

Natatawang sabi ni Jessy, “Sorry bashers, wala po akong time!”

Nababasa pa rin niya ang mga pangba-bash sa kanya?

“Nababasa ko pa rin and, don’t worry, nakikita ko pa rin ‘yan.

"Pero deadma, deadma na lang. Kung ‘yan ang trip niyo, go!

“Kung trip niyong maging nega, go.”

Hindi na siya nasasaktan ngayon?

“Matagal na akong naba-bash, ha, five years na. Hindi ba kayo nagsasawa?” sabi niya.

Kailan siya may huling sinagot na basher?

“A few weeks ago or month ago? Pero bihira lang, kasi nata-tackle siya sa blog ko.

"So, parang nami-minimize na yung pagtanong nila, yung pagiging nega nila, kasi nga, nasasagot na.

“And somehow, I feel na mas nakilala rin nila ako sa blog.”

NOT BECAUSE OF LUIS

Parehong may real-life partners si Jessy at ang leading man niya sa pelikulang Stranded na si Arjo Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero naniniwala si Jessy na hindi na tumitingin ngayon ang manonood kung ano ang totoong status nila kumpara sa karakter na ginagampanan nila sa pelikula.

“I think po, the audience, they’re very smart now. They don’t really care kung ano pa yung love life sa labas.

“Mas tinitingnan na nila yung kuwento. Kung maganda ang kuwento mo, maganda yung execution mo, you can never go wrong with those things. 

“Para sa akin siguro, more of ang sa audience natin, hindi natin maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nilang panoorin, kaya medyo naghihikahos yung movie industry natin.

“They don’t really care kung love team ba kayo o hindi. Nagma-mature na rin ang mga tao.

"At saka, millennials or generation Z, ano na sila, e, kahit mga 11, 12, mga matured na rin silang mag-isip.”

Wala raw kissing scene o love scene sina Jessy at Arjo sa pelikula nila na ipalalabas sa mga sinehan simula sa April 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw agad ni Jessy na walang nagbabawal kaya walang intimate scenes.

“No, story, e,” sabi niya.

“Siyempre, hindi naman kami magkakilala.

"And yun nga ang charm ng script kaya ko siya tinanggap.

"Walang love scene, walang kissing scene, pero they got attracted to each other.

"So, paano yun mangyayari, di ba? Yun ang dapat abangan.”

Natuwa ba si Luis nang malamang wala siyang kissing scene sa pelikula?

“Naku, wala na po yun pakialam!” natawang sabi ni Jessy.

“Siyempre, sanay na po siya kay Mother Vilma [Santos].

"Leading lady siya dati, siyempre marami rin siyang leading men."

JESSY'S BUCKET LIST

Base sa trailer ng Stranded na idinirek ni Ice Idanan, may bucket list dito si Jessy.

Sa totoong buhay, ano ang tatlong nasa bucket list niya?

“I have a lot, pero most of them, nagawa ko na po.

"Like sky diving, nagawa ko na. Scuba diving, nagawa ko na rin po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Starting a business, nagawa ko na rin po.

“Siguro it’s more on gusto ko pong maging jump master.

"Yun yung sa sky diving, yung kasama mo kapag mag-i-sky dive ka, gusto kong maging ganun.”

Ibang level na pala ang gusto niya?

“No, apparently, you can train for that pala.

"Sabi nila, if you train for four, five months, puwede ka nang maging licensed," sabi ni Jessy.

Yun nga lang, kailangan daw ng panahon para magawa niya yun at sa ibang bansa.

Nag-sky dive siya kasama ang boyfriend na si Luis Manzano noong um-attend sila ng kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand.

“First time ko, 'tapos ang pinili pa naming altitude, yung sobrang taas, sobrang layo.”

Saan niya naiisip ang susunod niyang sky-dive experience?

“Sa Dubai po siguro,” sagot ni Jessy.

Ikalawang bucket-list item daw niya ay magpunta ng South Africa.

“Parang yung ginawa nila Anne, makikita yung mga giraffe, mga lions...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then third is, makapag-free dive.

"Kasi, nakapag-dive ako, pero yung free dive, wala kang mask, wala kang gears."

Adventurous daw siyang talaga at isa yun sa parehong ugali nila ni Luis.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN