Vice Ganda saddened by negative comments about rumored romance with Ion Perez

IMAGE Courtesy: @praybeytbenjamin / @ion_perezescort on Instagram

Vice Ganda: "Mas nalulungkot ako para sa kanila, sa hate, at sa mga bagay na hindi nila naiintindihan."


Sa birthday celebration ni Vice Ganda sa It's Showtime noong Sabado, March 30, ipinahayag ng TV host-comedian na sana ay maging masaya na lang ang ibang tao na nagmamahal at minamahal siya ngayon.

Malakas ang usap-usapang may namamagitan na umano sa kanila ni Ion Perez o kilala bilang Kuya Escort sa noontime show ng ABS-CBN.

Mas tumindi pa ang espekulasyong may relasyon sina Vice at Ion dahil sa Gandang Gabi Vice episode noong March 31. 

Naging surprise guest si Ion, kung saan inamin nitong espesyal para sa kanya ang Unkabogable Star.

Ngunit ayon kay Vice, kabi-kabila ang tinatanggap niyang negatibong komento dahil sa pagkakaugnay niya Ion.

Tila marami pa rin ang hindi tanggap ang klase ng relasyon na mayroon sila.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainnment Portal) kay Vice sa set ng It's Showtime noong March 30, nagbukas siya ng saloobin tungkol dito.

Aniya, "May mga nababasa akong mga comments na nalulungkot ako, hindi lang para sa akin kundi para sa maraming tao na hanggang ngayon sa panahon na ito ay may ganun pa rin, ang sad for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefullly, masaya lang ang lahat para sa isa't isa.

"Yeah, pero ganun talaga ang life.

"Actually, I feel bad for us, but mas nalulungkot ako para sa kanila, sa hate, at sa mga bagay na hindi nila naiintindihan."

Sa kabila ng pamba-bash na tinatanggap mula sa netizens, masayang-masaya naman daw si Vice sa buhay niya.

Nang tanungin kung ano ang birthday wish niya, sinabi nitong malusog na pangangatawan ang kanyang nais.

"Hindi ko na talaga alam kung ano ang iwi-wish ko.

"Gusto ko lang na patuloy na maging masaya kasi masayang-masaya ako ngayon at gusto kong maging malusog.

"Kasi kung masaya ka at di ka malusog, malulungkot ka."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN