Hunky actor Troy Montero wants to be a movie director


"No, I don't want to be an artista anymore," declares Troy Montero, who's known for his sexy image.



Sa isang show sa Taytay, Rizal, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Troy Montero. Isa sa mga celebrity guests si Troy sa naturang show, pero ayon sa kanya, matagal na raw siyang hindi tumatanggap ng anumang showbiz engagement bilang isang artista pa rin.



Ayon kay Troy, napagdesisyunan na niya na huminto sa pag-aartista at mag-concentrate sa pagdidirek. Talagang mas gusto niya at mas nag-e-enjoy sa trabaho behind the camera.



Kung tutuusin, matagal na rin si Troy na nag-aaral ng iba't ibang paraan sa pagdidirek. In fact, maituturing nga niyang ang direktor na si Erik Matti ang isa sa mga mentor niya sa larangang ito.



Mabilis na pag-iling ang naging tugon ni Troy sa PEP when asked kung hindi na talaga magbabago ang isip niya in terms of his showbiz career.

"No, I don't want to be an artista anymore. I enjoy what I am doing now. In fact, I am now directing different TV commercials," sabi ng wannabe director.



Hindi ba siya nanghihinayang na iwanan ang kanyang showbiz career? Isa pang iling at ngiti. Naniniwala siyang mahirap pagsabayin ang pagdidirek at pag-aartista, especially sa case niya na nasa pagdidirek talaga ang hilig. He's hoping na one of these days, he will be able to direct a movie.



Kinumusta rin ng PEP kay Troy ang relationship nila ng girlfriend na si Aubrey Miles. "We're already on our third year and everything's the same. We're happy."



Hindi rin ikinaila ni Troy na, at this point, they are already talking about settling down. Most likely nga raw, by next year ay magpapakasal na silang dalawa.

He's happy for former girlfriend Nikki Valdez who already tied the knot ahead of him.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN