John Lloyd Cruz to finally make a showbiz comeback?

IMAGE Courtesy of ABS-CBN News

Will John Lloyd Cruz finally make a comeback after more than a year of leave of absence?


Naintriga ang maraming netizens sa Instagram post ng isang Beef Pita Doner kagabi, April 1.

Nakalagay sa caption: “Hindi lahat ng umaalis, hindi na babalik... Minsan kailangan lang ng pahinga.

“BABALIK NA! Ano at sino? Malapit na malapit na.”

Kalakip nito ang isang larawan ng isang lalaking naka-side view at naka-sumbrero.

Kung tititigang mabuti, may hawig ito sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Ngayong Martes, April 2, mas lalo pang umingay ang usap-usapang si John Lloyd nga ang nasa larawan dahil naman sa Instagram post ng aktor ding si Piolo Pascual.

Sabi ni Piolo sa caption: “If thats you i’m happy coz ur my brother. welcome to the family!”

Base sa mensahe ni Piolo, tila makakasama na niya si John Lloyd sa produktong kanyang iniendorso.

Si Piolo ang pumalit kay John Lloyd sa family sitcom nitong Home Sweetie Home.

INDEFINITE LEAVE

Mula noong October 2017 ay naka-indefinite leave sa showbiz si John Lloyd, kasunod ng kontrobersiyal na Bantayan Island, Cebu, escapade nila ng Home Sweetie Home co-star na si Ellen Adarna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng mahigit isang buwan, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagdadalantao si Ellen at si John Lloyd ang ama ng dinadala niya.

Fast forward to June 2018, isinilang ni Ellen ang isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang Elias Modesto, bilang pagbibigay-pugay sa namayapang ama ng sexy star.

October 2018, umamin sa wakas si John Lloyd na may anak na nga sila ni Ellen.

Hindi man visible sa showbiz events ang dalawa, may mga pagkakataong nakikita ng publiko si John Lloyd na ini-enjoy ang pribado at simpleng buhay.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN