Cristine Reyes tries out boxing


"Sa belly dancing kasi parang girlie-girlie. Para maiba naman, gusto ko namang subukan ito, para boyish," says Cristine Reyes about trying out boxing.



Matapos sumabak sa belly dancing, ngayon ay sinusubukan naman ng sexy nymphet na si Cristine Reyes ang pagpapapawis sa ring.



Baguhan pa lang sa boxing si Cristine, pero mukhang nagugustuhan na niya ang sports na nagpasikat kay Manny Pacquiao.

"Sa belly dancing kasi parang girlie-girlie. Para maiba naman, gusto ko namang subukan ito, para boyish," sabi ni Cristine.

Hindi lang daw pampatanggal ng stress ang boxing, nakakatulong din ito para ma-maintain ang kanyang timbang.

"'Yung tulad lang ng nasa FHM, ime-maintain ko lang ang katawan na 'yun, ang pangit naman na hindi ko siya i-maintain, di ba?" ayon sa young sexy star.

Naghahanda si Cristine para sa kanyang role sa first sexy movie niya, ang Green Paradise.

Hindi pa raw niya masabi kung gaano ka-sexy ito pero sinisiguro niyang maganda ang pigura na kanyang ipapakita rito.

Samantala, maganda naman ang natanggap naming reaction sa August 2007 issue ng number one men's magazine na FHM kung saan cover si Cristine.

Noong Sabado, July 28, lumabas ang issue sa mga news stands, at marami na ang nag-text at bumati sa dalaga.

Masayang-masaya naman si Cristine dahil halos sold-out na raw ang magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN