Aiko Melendez's daughter with hubby Martin Jickain celebrates first birthday


Proud parents Aiko Melendez and Martin Jickain hold their firstborn, Marthene Jickain, who celebrated her first birthday last July 29. More photos.



Napuno ng mga kamag-anak at kaibigan ng mag-asawang Aiko Melendez at Martin Jickain ang The Grand Terrace sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong July 29, Linggo, para sa unang kaarawan ng kanilang anak na si Marthena.

Mula sa kiddie cartoon characters na Care Bears ang tema ng party. May isang ring magic show ang ikinatuwa ng mga bata at matanda.

Namataan ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, kasama ang kanilang anak na Cassandra, pero hindi naman kasama ang kakambal nitong si Maverick. Naroon din si Marjorie Barretto at ang kanyang mga chikiting.

Nasalubong din naming karga-karga ni Dawn Zulueta ang kanyang anak na si Jacobo habang nakasunod ang asawang si Anton Lagdameo.

Sa isang mesa magkakasama sina Bayani Agbayani at ang mag-asawang William Martinez at Yayo Aguila, at ang kanilang mga anak.

Tuwang tuwa naman ang lahat nang mag-participate ang panganay ni Aiko na si Andrei—anak ng actress-politician sa una nitong asawa na si Jomari Yllana—sa mga magic tricks sa show.

Pero siyempre, ang center of attention ay ang grey-eyed baby nina Aiko at Martin na si Marthena.

Proud na proud si Aiko dahil matapos daw ang mga paghihirap niya noong nagdaang taon—kasama na rito ang kampanya at mga kasong kinaharap niya—maayos namang naitaguyod ang kanyang pamilya.

Aminado rin si Aiko na mahirap ang balansehin ang pamilya at pulitika.

"Ang hirap talaga, come rain and come sunshine, maraming pa ring hinaharap na pagsubok, matapos ang mga pagsubok na 'yun heto na ako ngayon, ang sarap na, di ba?" ayon sa konsehala ng Quezon City.

Kapansin-pansin ang pagbawas sa timbang ni Aiko. Maaliwalas na rin ang kanyang mukha, halatang nakapagpahinga na siya.

Ready na rin daw siyang humarap sa mga bagong hamon ng showbiz.

"I think this is the right time. Lalo ngayong okay na ako. Kapag may magandang offers, why not? Pero priority ko pa rin ang politics. Marami na akong napatunayan sa showbiz, sa tingin ko turn ko namang may patunayan sa pulitika," sabi ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN