Gretchen Ho "stood up" by Floyd Mayweather Jr.

Gretchen Ho jokes about Floyd Mayweather's no-show at an event she would be hosting: "Now, I can tell my grandkids, I was once stood up by Floyd."


Naglabas ng saloobin ang ABS-CBN sports host na si Gretchen Ho, 28, matapos itong maghintay ng walong oras sa event ng American boxing champ na si Floyd Mayweather Jr., 42.

Dumating sa Pilipinas si Mayweather noong Linggo, March 31, at ini-launch bilang bagong endorser ng isang kilalang local cosmetic dermatology clinic nitong Martes, April 2.

Kahapon din ay nakatakdang dumalo si Mayweather sa isang 3 P.M. press conference sa Resorts World Manila, sa Pasay City.

Ang host ng naturang event ay sina Gretchen at Andrei Felix.

Sa unang tweet ay excited pa si Gretchen sa pagdating ni Mayweather.

Pero sa paglipas ng mga oras, bakas na ang pagkadismaya ni Gretchen sa kanyang mga sumunod na tweets.

Nagbigay pa ng update si Gretchen sa mga aktibidad ng boksingero habang sila ay naghihintay.

Dakong ika-11 ng gabi, inanunsiyo na ng pamunuan ng resort and casino na hindi na makararating si Mayweather.

Ikinadismaya ni Gretchen ang balitang ito at ibinahagi niya ang nararamdaman sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang status, sinikap pa rin niyang maging positibo.

Mensahe ni Gretchen: “'A tragedy is always a good story to tell.'

“Me on Mayweather’s no-show at the presscon after 8+ hours of waiting [laughing emoji] Now, I can tell my grandkids, I was once stood up by Floyd [laughing emoji]

“Good thing we a pro”

Sa biruan nila ni Andrei sa Instagram Story, sinabi ni Gretchen, “Can I just say, I will never forget this day.”

GRETCHEN ANSWERS NETIZEN

Samantala, may isang netizen na pumuna kay Gretchen dahil sa pagrereklamo diumano nito kahit binayaran siya.

Hinamon pa ng netizen si Gretchen na idemanda raw si Mayweather.

Umalma naman dito ang Kapamilya host.

Buwelta ni Gretchen: “who says I got paid?

“I wasn’t complaining. I was being positive. All cool yo”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahanap naman ng kakampi si Gretchen sa ibang netizens:

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN