ABS-CBN cooks up three more film remakes for "Sine Serye"


The Kapamilya Network is now in the process of doing remakes of Magkano ang Iyong Dangal?, Bagets, and Dulce Amor. Roxanne Guinoo (left) is being eyed for Lorna Tolentino's role in Dulce Amor, Kris Aquino (middle) has reportedly agreed to play Zsa Zsa Padilla's role in Magkano ang Iyong Dangal?; and John Prats (right) will headline the youth-oriented Bagets.



During the presscon of Natutulog Ba Ang Diyos?, nabanggit ang ilang pagkakahawig ng bida ritong si Roxanne Guinoo sa premyadong aktres na si Lorna Tolentino.

Aside from both having beautiful faces, naging White Castle Lady din noon si Lorna at si Roxanne naman ang pinakahuling celebrity endorser nito. Sa original movie version ng Natutulog Ba Ang Diyos? ay si Lorna ang gumanap sa lead female character, na ngayon ay si Roxanne na ang gumaganap sa remake at TV version nito.

Dahil dito, may nag-suggest sa overall in-charge of production ng Natutulog Ba Ang Diyos? na si Mr. Deo Endrinal na bagay rin kay Roxanne kung ire-remake ang launching movie noon ni Lorna na Dulce Amor. Ang Dulce Amor ay production ng dating movie tycoon na si Jesse Ejercito.

Napag-alaman din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isa pang Seiko movie ang nakatakdang gawan ng remake ng ABS-CBN para sa isang teleserye. Ito ay ang pelikulang Magkano Ang Iyong Dangal? na pinagbidahan nina Zsa Zsa Padilla at Christopher de Leon noong 1989.

Inalok na nila sa Queen of Talk na si Kris Aquino ang lead role for the remake ng Magkano Ang Iyong Dangal? at nagustuhan naman daw ito ng TV host-actress. Tatapusin lang ni Kris ang ilang episodes niya as one of the hosts ng new reality-model search na Be Bench sa ABS-CBN.

Bukod dito, ongoing na rin ang audition para sa remake naman ng blockbuster youth-oriented movie noong ‘80s, ang Bagets ng Viva Films. Tampok dito noon sina Aga Muhlach, Herbert Bautista, William Martinez, Raymond Lauchengco, at JC Bonnin.

As of this writing, ang mga sigurado pa lang na makakasama sa remake ng Bagets ay sina John Prats (na sinasabing Aga Muhlach-lookalike), ang magka-loveteam na sina Kim Chui at Gerald Anderson, at si Rayver Cruz. Ang Bagets ng ABS-CBN ang unang regular show na lalabasan ng dalawang winners ng Be Bench (The Model Search).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-audition din para sa Bagets si Enchong Dee para sa role na dating ginampanan ni Herbert Bautista (QC vice mayor ngayon). Pero pinag-iisipan din na ipasok sa cast si Dino Imperial.

Sa ngayon, tinatapos na lang ang post-production at special effects para sasusunod na Sine Serye ng ABS-CBN, ang Kokey ni Direk Wenn V. Deramas starring Ruffa Gutierrez, Redford White, Julia Barretto, Little Big Superstar grand finalist Joshua, at marami pang iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN