Migo Adecer camp denies Kapuso actor presented second driver's license

IMAGE Noel Orsal

Migo Adecer's legal counsel denies allegation that the Kapuso actor gave a second license when he was arrested over a hit-and-run incident last March 26.


Nahaharap pa rin sa criminal case ang Kapuso actor na si Migo Adecer, 19.

Ito ay matapos siyang sampahan ng Makati City Police ng reklamong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o falsification by private individuals and use of falsified documents.

Kaugnay ito ng kinasangkutang hit-and-run incident ni Migo sa Bgy. Poblacion, Makati City, noong March 26, Martes.

Dalawang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasaktan, matapos tamaan ang sinasakyan nilang motorsiklo ng kotse ni Migo.

Sa isang case conference nitong Lunes, April 1, kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) at Makati Police na peke ang lisensiya ni Migo.

Ayon sa ulat www.inquirer.net, pinag-iisipan ng LTO kung magsasampa sila ng kasong administratibo para sa possible revocation o suspension ng lisensiya ni Migo, na mayroon na raw apat na kaso ng reckless driving.

TWO INCIDENTS

Sinabi ni Makati Police Chief Senior Superintendent Rogelio Simon na mayroong dalawang magkaibang driver’s license si Migo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang una raw ay isinuko ng aktor matapos siyang matiketan dahil sa reckless driving sa Rockwell, Makati, bandang hapon ng March 26.

Pangalawa ay nang arestuhin siya ng mga pulis matapos ang hit-and-run incident pagsapit ng gabi sa N. Garcia Street, Makati City.

Ayon sa report ng ABS-CBN News Online noong March 27, sinubukan umanong takbuhan ni Migo ang dalawang MMDA employees matapos niyang tamaan ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito.

Hinabol ng enforcers si Migo at na-corner ito sa N. Garcia Street.

Nagtangka pa raw umano si Migo na takasan ang pag-aresto sa kanya at nakatama pa isang patrol car.

Nasa impluwensiya umano ng alak si Migo, ayon sa Makati City Police Chief.

Nakunan din ng video si Migo kung saan makikita siyang nasa loob ng kanyang kotse, habang nasa tabi ng kotse ang enforcers na umaaresto sa kanya.

Malakas ang boses ni Migo habang sinasabi: “I have not done anything. I have not done anything. I have obeyed the rules. I have not done anything. I put my hands up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita sa video na sinusubukang pababain ng enforcers si Migo mula sa kanyang kotse, pero nanatili ang aktor sa loob ng sasakyan habang itinataas ang mga kamay niya.

Bago ito ay nasangkot na sa traffic violation si Migo sa Rockwell noong hapon ng March 26, at isinuko nito ang kanyang lisensiya.

Kaya nagtaka raw ang mga pulis nang makapagpresenta ang aktor ng isa pang driver’s license pagsapit naman ng gabi noong mangyari ang hit-and-run.

MIGO'S CAMP VEHEMENTLY DENIES PRESENTING A LICENSE

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Migo na nagbigay ng lisensiya ang aktor nang arestuhin siya sa N. Garcia Street.

“My client is vehemently denying that he presented a license during his arrest at N. Garcia,” pahayag ng abugado ni Migo na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque sa text message na ipinadala nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, April 3.

Dagdag pa niya, “As far as he is concerned, he presented just one license, that was when he gave his driver’s license at Rockwell.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa ni Atty. Abraham-Garduque, “The own evidence of the police would show that Migo did not present any driver’s license.

"First, the videos of his arrest at N. Garcia show that he did not present any license.

"Second, the affidavit of arrest executed by the police authorities who arrested him at N. Garcia vividly shows that there was no allegation therein that Migo presented any license during this arrest.

“Said affidavit of arrest is a sworn statement submitted by the police before the office of the city prosecutor."

Wala pa rin daw natatanggap ang kampo ni Migo na kopya ng compliant para sa alleged falsification and use of falsified document.

Sabi pa ni Atty. Abraham-Garduque, “We defer any action/comment until such time that we receive the copy of said complaint.”


Stories We Are Tracking

Kapuso actor Migo Adecer arrested in Makati for alleged hit-and-run
Kapuso actor Migo Adecer arrested in Makati for alleged hit-and-run
Migo Adecer charged with reckless imprudence over hit-and-run incident
Migo Adecer charged with reckless imprudence over hit-and-run incident
Migo Adecer camp issues public apology to victims of hit-and-run incident
Migo Adecer camp issues public apology to victims of hit-and-run incident
Migo Adecer breaks silence after hit-and-run incident
Migo Adecer breaks silence after hit-and-run incident


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN