JM de Guzman against naming of celebrities on PDEA drug list

IMAGE Jerry Olea

JM de Guzman: “Kung sino man ang mga yun, I believe, masasabi ko lang on my part na you can still turn it around, they can still change."


Hindi sang-ayon si JM de Guzman sa paglalantad ng pangalan ng mga artistang kasama sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“I think, alam naman po ng PDEA that they have to protect the names.

“Maraming mada-down. Marami rin silang nai-inspire na tao.

“Kung sino man ang mga yun, I believe, masasabi ko lang on my part na you can still turn it around, they can still change.

“Ginagawa lang ng PDEA ang trabaho nila and alam ko na ginagawa nila nang maayos,” pahayag ni JM sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Last Fool Show noong Sabado, March 30.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang sariling karanasan ni JM kaugnay ng illegal drugs.

Kaya ang pakiusap niya ay huwag namang maging marahas o masaklap ang paraan sa pagpuksa ng ilegal na droga.

Saad ni JM, “Tatlong beses po akong pababalik-balik sa rehab, kasama ko po mga addict—users, pushers…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hindi lang po sila adik, hindi lang sila nag-take ng drugs for whatever, may mga pinagdaanan sila na hindi nila kinaya, and they chose a different path to patch it up, to move on.

“And huwag lang po sanang masyadong masaklap ang pagtrato sa kanila.

“Umabot na sa point na pinapatay na ang iba.

“May penalty, pero with due respect, yung due process po.

“I mean, ako, I’m in this position ngayon na maging example na hindi lang kami hanggang doon.

“At kung ano po ang ginagawa ng PDEA, all-out support po ako, anytime, anywhere.”

Dagdag niya, “It’s a very smart move from PDEA.

“Kasi, kami po, pare-parehas lang kami ng parts, pero we have a social responsibility na maipakita sa set as an example.”

Isa raw halimbawa si JM na hindi kailangan ng karahasan para magbago ang isang drug addict.

Ayon sa aktor, “Mahirap po sa akin ang posisyon na ‘yan dahil yung drugs, hindi pa tayo buhay, nandito pa rin ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit anong gawin mo, kahit anong giyera, nandiyan pa rin siya.

“Umabot na sa point na sobrang frustrating na at hindi mo na alam kung paano siya pupuksain.

“Ako, ang ginagawa ko lang, kung ano ang sa tingin ko makakatulong kung nasaan man ako ngayon—to better myself, to improve myself.”

Inamin ni JM na may ups and down pa rin siya hanggang ngayon.

“Yung anxiety ko, ang ginagawa ko, I talk to my doctor, I take my meds, I exercise, I connect to people, with my family—I relate to them, with my peers,” saad niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN