Celebrities defend Jim Paredes amidst private video controversy

IMAGE Photo from Jim Paredes's Facebook account

Celebrities Gary Valenciano, Jaime Fabregas, Leah Navarro, and Carlos Celdran sympathize with Jim Paredes amidst the private video controversy he is entangled with.


Sa gitna ng eskandalong kinahaharap ni Jim Paredes, 67, may mga kapwa celebrity ang nagpakita ng simpatiya at nagtanggol sa dating miyembro ng APO Hiking Society.

April 1, April Fool’s Day, naging usap-usapan sa social media ang private video ni Jim.

Noong una’y itinanggi niya ito at sinabing "fake," subalit inako rin niya ito kinabukasan, April 2.

Pag-amin ni Jim: "The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public.”

Sa pamamagitan ng kanyang blog, inamin ng veteran singer ang pagkakamali at humingi ng paumanhin.


Stories We Are Tracking

Jim Paredes alleged video scandal circulates online
Jim Paredes alleged video scandal circulates online
Jim Paredes changes settings of Facebook, Instagram accounts amid alleged video scandal
Jim Paredes changes settings of Facebook, Instagram accounts amid alleged video scandal
Jim Paredes owns up to video scandal
Jim Paredes owns up to video scandal
Jim Paredes daughter takes a break from social media amid singer's video scandal
Jim Paredes daughter takes a break from social media amid singer's video scandal

CELEBRITIES REACT

Ilan sa mga celebrity na nagbigay ng mensahe ng suporta kay Jim ay ang kapwa singers na sina Gary Valenciano at Leah Navarro, veteran actor na si Jaime Fabregas, at writer-artist na si Carlos Celdran.

Bilang kapwa OPM singer, sinabi ni Mr. Pure Energy na nalulungkot siya sa nangyari kay Jim.

“Malungkot ako sa nangyari sa kanya, but kung walang mga katulad ko ngayon na can tell him that I’m still here for you and your family, sino pa?” saad ni Gary sa interview sa kanya ng entertainment press nitong April 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung 'yan ang mangyari sa ‘kin, I would love just to have one person to be able to come up to me and say, ‘You know what, let’s go through this together.’"

Sabi pa ni Gary, “I don’t know kung paano siya makaka-recover dito, but those are the things na hard realizations that I know...

"With me kasi, God has given me chances before, why can’t I do the same with somebody like Jim Paredes, who has touched many lives through his songs he has written also?

“He’s not perfect.”

Ayon naman kay Jaime Fabregas, na napapanood sa ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano, “The publishing of the video of Jim Paredes is plain evil. It is almost like the last gasps of this ailing regime.

"If Jim was having cyber sex in the privacy of his room wherever he was, that’s none of our business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He was not hurting anyone. He was not forcing himself on anyone.

"He is not evil. The people who published it, are."

Pagtatanggol naman ni Leah Navarro kay Jim, “You are not #Disente if you watch illegally uploaded videos of people masturbating, approve of Duterte’s ordering killings via Tokhang, applaud his misogyny, encourage his resistance to transparency, support his lapdog love for China. You are un-Filipino.”

Saad naman ni Carlos Celdran: “He didn’t need to apologize and this is a new low against someone who isn’t even running for office.

"Jim and I have had friction before but I stand firmly behind him on this one.

"I’m glad he isn’t a hyprocrite and owned up to something that really isn’t a big deal. Respect."

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VIOLATON OF PRIVACY

Samantala, isang business-tech editor ang nagbigay ng isang senaryo kung paano posibleng na-breach ang device ni Jim at nakuha ang kanyang private video.

Ayon kay Art Samaniego Jr., Tech News Editor ng broadsheet na Manila Bulletin, violation of privacy ang nangyari kay Jim dahil may nag-upload ng kanyang private video nang walang pahintulot.

“Ang duda ko, parang nire-record ng kausap niya. Kasi kung titingnan mo yun [video], ito kasi, pribado ito, e.

“Private moment ito ni Jim Paredes, pero ni-record nung kung sino ang kausap niya,” paliwanag ni Samaniego sa phone-patch interview niya sa DZMM Teleradyo nitong April 2, Martes.

Patuloy niya, “So, ito yun, violation ito ng privacy ni Jim. Hindi ito about kung ano yung ginawa niya.

“Ang nangyari dito ngayon, nagkaroon ng breach kasi nakuha ng mga taong hindi dapat makakuha nung file na yun.

“Ito, may violation sa privacy ni Jim, at ina-advice ko sa kanya na mag-complain siya sa National Privacy Commission o sa PNP [Philippine National Police]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabahagi pa ni Samaniego, may kapasidad ang mga awtoridad na matukoy kung sino ang unang nagpakalat ng video.

“Mati-trace naman kung sino ang unang nag-share niyan. Puwedeng mahanap ‘yan.

"May kapabilidad ang National Privacy Commission 'saka ang PNP na magawa ‘yan," paliwanag ng tech editor.  

DANGERS OF BEING CONNECTED

Ayon pa rin kay Samaniego, walang katiyakan na secured ang files ng isang tao kung naka-save ito sa kanyang digital device, gaya ng mobile phone o laptop.

“Delikado kasi lahat, kahit saan mo ilagay, may danger na manakaw yung data mo.

“Kahit sa telepono mo 'yan, pag na-trick ka, naloko ka na mag-click ng mga link—ang tawag dun, phishing—pag kinlick mo yung mga link na yun, yun pala, kinukuha na ang mga data mo.

“Kaya dapat very mindful ka sa mga security natin.

“Kahit saan mo ilagay, kahit sa ‘cloud’ mo ilagay, kahit sa personal device mo ilagay, pag connected sa Internet ‘yan, delikado,” babala ni Samaniego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STOLEN IDENTITY

Isa pang payo ni Samaniego, bawasan ang online footprint sa social media.

Ang ibinigay na halimbawa ng tech editor sa online footprint ay kung ang isang social media user ay na-detect na buntis at ibinahagi ito sa social media, tuluy-tuloy hanggang sa pagbabahagi ng kanyang pagbubuntis, panganganak, at hanggang paglaki ng bata.

Dahil daw rito, puwedeng manakaw ang identity ng isang tao.

“Kailangan lang para manakaw ang identity ay ang iyong birthday, pangalan, middle name, at pangalan ng nanay mo.

“Pag nakuha ‘yan, puwede na akong kumuha ng credit card mo. Puwede na akong mag-apply ng loan na gamit ang pangalan mo.

"Nanakaw ko na ang identity mo.”

Binanggit din ni Samaniego na isang survey ang ginawa sa UK, kung saan sa taong 2030, pinangangambahan ang pagkakaroon ng 70 percent identity fraud dahil sa “oversharing sa Internet.”

Ani Samaniego, “Yung data natin, nandun na lahat.”

IMPORTANT REMINDERS

Kaugnay nito, nagbigay ng tips si Samaniego sa pagse-secure ng mobile device upang makaiwas na manakawan ng data.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat i-secure mo yung device mo.

“I-secure mo yung telepono kasi yung telepono mo, 'yan yung ultimate endpoint.

"Dala-dala mo 'yan lagi at sigurado akong meron kang mga sikreto diyan sa telepono mo.

“Lagyan natin ng password.”

Inirerekomenda ni Samaniego ang pagkakaroon ng strong password.

Pangalawa, iminungkahi niyang bawasan ang pagda-download ng apps.

Paliwanag niya, “Kasi yung app, may tinatawag siyang app permission.

“So, kahit sino puwedeng mabigyan ng access.

“Pag yung app na yun binigyan mo ng access sa hard disk mo, puwede nang makuha ng app na yun, puwede nang ma-access yung hard disk mo o yung telepono mo.

“Halimbawa, nag-download ka ng flashlight na app, yung flashlight na app, ang gamit niya pang-flashlight lang.

"Pero pag humingi siya ng permission na ia-access niya ang mga pictures mo, yun ang mali.

“Hindi mo dapat payagan yun, so secure your device. Kasi puwedeng ma-access ng iba yung telepono mo.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang mahalagang payo ni Samaniego: “Kung ikaw 'kala mo nakikipag-chat ka lang, huwag na huwag kang gagawa ng personal na bagay sa video chat mo, kasi puwedeng i-record 'yan.” 

VIDEOS, PHOTO SCANDALS ON THE RISE

Ang Pilipinas ay mayroon nang Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, para sugpuin ang pagpa-publish, pangongopya, at pagkakalat ng mga material sa iba't ibang media platforms na makasisira sa reputasyon ng isang tao.

Subalit dahil sa social media, mabilis ang pagdami ng mga kasong ito, lalo pa’t ang may sala ay maaaring magtago ng kanilang pagkatao gamit ang digital devices.

Ayon sa data ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division, may 142 kaso na ng paglabag sa RA 995 sa unang tatlong buwan ng 2019, kumpara sa 94 kaso lamang noong 2018, ulat ng ABS-CBN News Online.

Sa data naman ng PNP Anti-Cybercrime Group, mayroon nang 106 kaso sa unang dalawang buwan ng 2019.

Mayroong 162 kaso isinumite sa National Prosecution Service dahil sa paglabag sa RA 9995 as of January 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN