Marco Alcaraz not affected by co-talents leaving Arnold Vegafria


Sexy actor Marco Alcaraz shares his opinion about the departure of his "siblings" Say Alonzo (inset, top) and Paolo Paraiso (inset, bottom) from the management of talent manager Arnold Vegafria.



Sa pag-alis nina Say Alonzo at Paolo Paraiso sa poder ng talent manager na si Arnold Vegafria, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag ng isa pang talent ni Arnold na si Marco Alcaraz.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Marco kaninang umaga, July 31, sa telepono, sinabi nito na ayaw niyang makisawsaw sa usapan. Hindi raw kasi niya alam ang mga tunay na detalye ng pag-alis ni Say bunga ng hindi nila pagkakaunawaan ni Arnold.

Kung hindi naging maayos ang hiwalayan nina Say at Arnold, na nagkaroon pa ng sigawan, maayos naman ang naging pag-alis ni Paolo sa bakuran ng naturang talent manager.

"Hindi ko alam kung ano ‘yung mga detalye nung kay Say," pauna ni Marco. "Hindi ko alam ang mga reason niya. Hindi naman kasi ako nakikialam sa ano nila ni Arnold. Sa kanila ‘yon, isyu nila ‘yon, hindi ako kasali dun."

Sinabi naman ni Marco na nagkausap sila ni Paolo bago pa mangyari ang pag-alis nito kay Arnold.

"Best friend ko si Pao, at nung naging aware na ako na may chance na umalis na siya, kinausap ko siya. Sabi ko sa kanya, nasa kanya ‘yon. Kung ano ang gusto niyang gawing desisyon, nasa kanya ‘yon, hindi ko siya pakikialaman.

"Magkaibigan kami, pero ang anumang desisyon tungkol sa career niya, nasa kanya ‘yon. Alam na naman ni Pao kung ano ang gusto niyang gawin, at kung ano ang ayaw niyang gawin," pahayag ni Marco.

Pero nilinaw ni Marco na kahit umalis na si Paolo sa manager nila, hindi raw apektado ang kanilang pagiging magkaibigan.

"Hindi naman porke hindi na pareho ang manager namin, e, hindi na kami magkaibigan. Best friend ko pa rin siya, hindi magbabago ‘yon," diin niya.

Tinanong namin si Marco kung wala ba siyang problema kay Arnold gaya ng kina Say at Paolo. Wala rin ba siyang balak umalis kung saka-sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit naman ako aalis?" tanong niya. "Nabibigyan naman ako ng projects, hindi ako nawawalan ng trabaho. Steady lang ang career ko, kaya hindi ako aalis."

Ayon pa kay Marco, normal lang ang pagkakaroon ng diskusyon between a manager and a talent.

"Kami ni Arnold, may times din na nagkakaroon kami ng discussion, hindi naman away. Like, kapag may mga projects or role, tatanungin ko siya kung dapat ko bang gawin ‘yon, kung bakit ko gagawin ‘yon. Pinag-uusapan namin.

"Hindi naman naiiwasan talaga ‘yung magtatanong ka, may mga lilinawin kang mga bagay-bagay. Nangyayari ‘yon," paliwanag niya.

Pero hindi pa naman daw umabot sa point na sinigawan siya ng kanyang manager. "Hindi naman, wala naman akong natatandaang sinigawan niya ako," ulit niya.

Sa ngayon, happy si Marco sa takbo ng kanyang career. Isa siya sa mga mainstays ng top-rater na Sine Novela ng GMA-7, ang Pati Ba Pintig ng Puso?, with Yasmien Kurdi and JC de Vera. Kasama na rin siya sa Book 2 ng Fantastic Man.

"Gaganap akong alien na kakampi ni Mark Herras, ni Fantastic Man. Okay ang hitsura ko dun—kulay gold ang mukha at lips ko, puti ang kilay at buhok ko. Tapos, nakatayo ang buhok ko. ‘Yung costume ko, all black," paglalarawan niya sa kanyang role.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN