Kris Bernal disappointed with Mart Escudero's lack of effort


"Hindi ko na alam kung ano kami ngayon as a loveteam. ‘Yung inaasahan ko na mas ipakita niya na dapat mag-work ang loveteam namin, hindi ko na nararamdaman. Parang wala na ‘yon sa kanya," complains Kris Bernal (right) about team-up with Mart Escudero (left).



May sama ng loob ang StarStruck 4 winner na si Kris Bernal sa ka-loveteam niyang si Mart Escudero. Sina Kris at Mart ang nanalo bilang Ultimate Loveteam sa Batch 4 ng StarsStruck. Pero sa naging interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kris ay tila hindi natutuwa ang young actress sa mga pangde-deadma sa kanya ni Mart.



Ayon kay Kris, hindi raw niya maintindihan kung bakit gano'n na lang daw ang naging pakitungo sa kanya ni Mart. To think na sila ang napiling Ultimate Loveteam, pero wala raw effort si Mart na iparamdam sa kanya na gusto nitong mag-work ang team-up nila.

Magkasama ang dalawa sa youth-oriented show ng GMA-7 na Boys Nxt Door.



"Naguguluhan ako sa kanya, e," may hinanakit na sabi ni Kris. "Hindi ko na alam kung ano kami ngayon as a loveteam. ‘Yung inaasahan ko na mas ipakita niya na dapat mag-work ang loveteam namin, hindi ko na nararamdaman. Parang wala na ‘yon sa kanya."



Kapansin-pansin din na hindi na nakikita kay Kris ang Swarovski bracelet na iniregalo ni Mart sa young actress noong 18th birthday niya. Dati-rati ay suut-suot ito ni Kris at ipinagmamalaki pa niya ito.



"Itinago ko na lang siya somewhere!" sabay tawa ni Kris. "Hindi ko na nga alam kung saan ko itinago, e. Before kasi, importante sa akin ‘yung gift niyang ‘yon. Ngayon, parang wala na, kaya itinago ko na lang."



May kinalaman kaya ang pagpares ni Mart sa anak ni Jean Garcia na si Jenica Garcia sa soap opera na Impostora, kaya parang dinedeadma na siya ng binata?



"Ewan ko... baka nga," biro ni Kris. "Na-meet ko naman na si Jenica, pero hindi kami nakapagkuwentuhan. Parang nagkasalubong lang kami dito sa GMA-7. Hanggang ganun lang. Siguro si Mart na lang ang tanungin n'yo regarding that. Kasi siya naman itong nagbago at hindi ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nagseselos ba siya na parang mas close ngayon si Mart kay Jenica?



"Ah, no naman. Bakit naman?" mabilis na sagot ni Kris. "Huwag nating idamay si Jenica rito kasi nagtatrabaho lang naman ‘yung tao.



"As for Mart, bahala siya. Basta ako, kapag sinabi ng management na lagyan ko ng effort ang loveteam namin, gagawin ko ‘yon because nanalo kami ng title na Ultimate Loveteam. Sana nga lang, kung mag-e-effort ako, maglagay din ng effort si Mart."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN