Lilet Esteban mourns brother-in-law's untimely passing

Lilet Esteban mourns the untimely death of her brother-in-law who passed away last March 29.


Nagluluksa ang singer-actress na si Lilet Esteban dahil sa pagpanaw ng kanyang brother-in-law noong nakaraang March 29.

Japanese ang bayaw ni Lilet na asawa ng kanyang nakakatandang kapatid na si Malu.

Lumipad patungong Japan si Lilet noong nakaraang March 26 pagkatapos mag-last taping day ang kinabilangan niyang teleseryeng My Special Tatay sa GMA-7.

Excited si Lilet na magbakasyon sa Japan dahil nami-miss na niya ang kanyang Ate Malu at ang mister nito na tinuring niyang ikalawang ama.

Heto ang post ni Lilet sa Facebook:


  

Ayon sa kuwento ni Lilet, ang kanyang bayaw daw ang nagpaaral sa kanya noong manirahan siya sa Japan ng dalawang taon noong '90s.

Tuwing tatanungin daw ang kanyang bayaw ng mga kaibigan nito kung ano ang relasyon nito kay Lilet, sinasabi raw nito na anak niya si Lilet.

March 29 nang humiling ng dasal si Lilet dahil pinasok sa ospital ang kanyang bayaw at kailangan nitong sumailalim sa maselang operasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Please say a prayer for my dear bayaw. He might need to undergo surgery. Thank you. God is sovereign,” post ni Lilet sa FB.

Pero noong araw din na iyon ay pumanaw ang pinakamamahal na bayaw ni Lilet na labis niyang ikinalungkot.

Nakapag-post lang si Lilet tungkol sa pagpanaw ng kanyang bayaw pagkaraan ng isang linggo dahil masyado raw mabilis ang mga pangyayari at kinailangan pa nilang asikasuhin ang burol at libing nito.

Heto ang mahabang post ni Lilet sa FB noong April 5:


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN