FIRST READ ON PEP: Dr. Manny Calayan severs ties with Becky Aguila's talents


"Marami na masyado endorsers at hindi na namin age group ang mga alaga ni Becky," explains Dr. Manny Calayan (middle) about not renewing the contract of Becky Aguila's talents, Valerie Concepcion (left) and Jennylyn Mercado (right), as endorsers of Calayan Surgicentre.



May nakarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagpadala diumano ng sulat si Dr. Manny Calayan ng Calayan Surgicentre sa talent manager na si Becky Aguila. Nakasaad sa naturang sulat na hinihinto na raw ng Calayan Surgicentre ang kanilang serbisyo sa mga alaga ni Becky, sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.

Ayon pa sa nakuha naming impormasyon, nagpahayag diumano si Dr. Calayan na sa age group ng dalawang young actresses ay limitado ang kanilang market. Ito raw ang dahilan kaya hindi sila naaangkop sa klinika ng sikat na beauty doctor.

Upang alamin kung totoo nga ang nakuha naming impormasyon ay kinontak ng PEP si Dr. Calayan sa pamamagitan ng text message. Sa kabutihang-palad ay sumagot naman agad ang asawa ni Dr. Pie Calayan at kinumpirma nga nito ang naturang balita tungkol sa hindi na nila pagkuha kina Jennylyn at Valerie bilang endorsers.

Ayon sa text message ni Dr. Manny Calayan sa PEP, "Marami na masyado endorsers at hindi na namin age group ang mga alaga ni Becky."

Dahil gusto ng PEP ng mas klarong pahayag, minabuti naming tawagan si Dr. Calayan. Tinanong namin siya kung hindi kaya nakikisimpatiya lamang siya sa GMA-7 dahil sa pag-alis ni Angel Locsin sa Kapuso Network at paglundag nito sa ABS-CBN.



"Hindi, walang koneksiyon," diin niya.

"Pareho kong mahal ang GMA at ang ABS. Pareho kong kaibigan sina Tita Wilma at si Tita Charo," sabi pa ng doktor, referring to the top lady bosses of the two giant networks, si Ms. Wilma Galvante of GMA-7 at Ms. Charo Santos-Concio of ABS-CBN.

Nilinaw rin ni Dr. Calayan na kung may mga endorsers man or mga celebrities na nasa pangangalaga nila na nagtatrabaho for GMA-7, meron din namang mga talents from ABS-CBN.

Wala raw dahilan para makisawsaw si Dr. Calayan sa mga issues ni Angel with the two networks, lalo pa't hindi naman niya kliyente ang controversial young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong kinalaman diyan. Bakit naman ako makikialam, bakit ako makikihalo? Purely business lagi ang desisyon namin pagdating sa mga endorsers or clients namin. Hiwalay ang relasyon namin with them bilang kaibigan, iba rin kapag sa business, which is ganun naman talaga dapat," paliwanag niya.

Ibinalita rin ni Dr. Calayan na endorsers na rin niya ngayon ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz at ang girlfriend ni Richard Gutierrez na si Georgina Wilson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN