Fil-Am actor Reggie Lee lauds Sharon Cuneta's professionalism

Fil-Am actor Reggie Lee (right) couldn't help but commend good friend Sharon Cuneta's professionalism as concert artist when she successfully staged her concert in Glendale, California despite her delayed flight from Toronto.


Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-post ang Fil-American Hollywood actor na si Reggie Lee ng kanyang paghanga kay Megastar Sharon Cuneta.

Sa mga hindi nakakaalam, matagal nang magkaibigan sina Sharon at Reggie at "BFF" (Best Friends Forever) ang tawagan nila sa isa't isa.

Kabilang si Lee sa naging audience ni Sharon sa ongoing U.S. leg ng kanyang My 40 Years concert series na ginanap sa Alex Theater in Glendale, California noong nakaraang April 1.

Humanga si Lee sa professionalism ni Sharon na kahit na na-delay nang apat na oras ang concert dahil sa naging flight nito mula Toronto, Canada, nagawa pa rin daw nitong mag-perform kahit na dumating ito sa venue straight from the airport.

Dahil sa pagmamadali ni Sharon, hindi na rin daw ito nagpalit ng kanyang suot na pambiyahe at magiliw pa ring humarap sa audience at kumanta.

Hindi raw pinahalata ni Sharon na pagod ito dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanyang fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman pinost ni Lee ang photo nila ni ng BFF niyang si Sharon kunsaan mahigpit ang yakap niya rito at ito ang nilagay niyang caption:

Ni-repost naman ni Sharon sa kanyang Instagram ang post ni Reggie at heto ang kinabit niyang caption:

Sa isang separate post, na-touch si Sharon sa pag-attend ni Reggie ng kanyang concert, lalo na't nanggaling pa ito sa shoot ng CBS show niyang Under The Bridge.

Lumabas na sa maraming Hollywood movies at TV series si Reggie Lee (Reggie Valdez in real life) na taga-Quezon City at nag-migrate sa U.S. kasama ang kanyang pamilya noong siya'y 5 anyos pa lang.

Pagkatapos nitong sumama sa national tour ng Miss Saigon sa edad na 17, he pursued acting sa Los Angeles, California in 1992 kunsaan lumabas siya sa iba't ibang theater musicals at small parts sa film at TV.

Nagmarka si Lee sa kanyang film roles as Lance Nguyen sa The Fast & The Furious (2001), Tai Huang in Pirates of the Caribbean: At World's End (2007), Byong in Tropic Thunder (2008) at bilang GCPD Officer Ross in The Dark Knight Rises (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa TV ay kilala siya bilang si Bill Kim sa Prison Break (2006-2007) at bilang Sgt. Drew Yu sa Grimm (2011-2017).

Kasalukuyang ginagawa ni Lee ang CBS drama na Under the Bridge kunsaan co-stars niya sina Jennifer Morrison, David Ajala and Sarayu Blue.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN