Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth

IMAGE Noel Orsal

According to reports, Julia Montes has given birth to her child and that Coco Martin is the father.


Usap-usapan ngayon na nanganak na ang aktres na si Julia Montes, 24, at nangyari ito rito mismo sa Pilipinas.

Malakas din ang kutob ng showbiz insiders na ang ama ng isinilang ng dating Star Magic star ay ang secret boyfriend niyang si Coco Martin, 37, ang tinaguriang King of Primetime ng ABS-CBN dahil sa pamamayagpag ng pinagbibidahan nitong FPJ's Ang Probinsyano.

Taong 2015 nang unang umugong ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.

Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.

Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.

Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

Nakasama nila rito sina Kim Chiu, KC Concepcion, at Jake Cuenca. Tumagal ng walong buwan sa ere ang teleserye na nagkaroon pa ng Book Two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

2015 naman nang magkasama ang dalawa sa "Yamishita’s Treasure" episode ng Wansapantaym.

Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.

Ngunit ayon sa mga nakakakilala sa kanila, naging close sina Julia at Coco at mayroong relasyong higit pa sa pagkakaibigan lamang.

JULIA LEAVES STAR MAGIC

October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.

Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.

Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.

Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.

December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.

Ngunit walang tuwirang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila.

Lalo pa't hindi naman sila umaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa parehong buwan din, pinabulaanan ni Coco ang balitang buntis daw si Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JULIA FREQUENTS COCO’S MANSION

Enero ng taong 2018, sa grand presscon ng Asintado, ang pinagbidahang panghapong serye ni Julia Montes sa ABS-CBN, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.

Dito ay inusisa namin si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.

Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.

"Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”

Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sabi ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

"So, kung as a boyfriend, yes."

Magkalapit din lang ang bahay nina Julia at Coco sa isang malaking private subdivision sa Quezon City, kaya hindi maiwasang mapag-isipan ang closeness nila.

Sinasabi ring ang aktor mismo ang nanghikayat sa aktres upang lumipat mula sa tirahan nito sa Antipolo papuntang Fairview, na tirahan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon pa ng usap-usapang ang property ay regalo ng action star sa magandang aktres.

Ngunit paglilinaw ni Julia sa lokasyon ng mga bahay nila, “Hindi naman tawid-tawiran lang, ilang streets din. Kapitbahay.”

Kung may mga problema raw siya, si Coco ang isa sa mga unang nilalapitan ni Julia.

“Isa po siya. Wala, kasi close talaga kami, e.

"Giving kasi siyang tao, e. Talagang parang ang tawag ko sa kanya, mentor.

“Nung nag-i-start ako sa trabaho, talagang gina-guide niya talaga ako.

"Tsaka ganun siyang tao, e, hindi lang siya sa akin, sa mga nakakatrabaho niya.

"Talagang giving siya, e."

JULIA GIVES BIRTH AT SAN JUAN HOSPITAL

Ipinagtaka ng marami ang biglang pagkawala sa sirkulasyon ni Julia matapos umere ng Asintado noong October 2018.

Lumipad at nagbakasyon siya sa Germany, kung saan naninirahan ang kanyang ama.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang aktres ng mangilan-ngilang larawan niya sa Germany upang maging updated ang kanyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansing balot na balot si Julia, o di kaya'y maluluwag na damit ang suot nito, sa mga larawang kanyang ipinu-post, kaya mas lumakas ang hinalang nagdadalantao ang Kapamilya star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang nitong April 1, 2019, lumakas ang bulung-bulungang isinilang na ni Julia ang anak niya kay Coco.

Ayon pa sa balita, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Lalo pang umingay ang haka-haka nang bumulaga sa Facebook ang blind item ng isang showbiz insider noon ding April 1.

Bahagi ng post: “Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her bf na sikat na aktor.

“Totoo bang habang umiiri sa delivery room (sa isang ospital sa San Juan) ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala?"

Dagdag ng post: “Siguro, ayaw muna ng aktres na kumalat nang bongga at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement pag naka-recover na sa panganganak ang bagets."

Makalipas ang ilang oras nang ma-post ang blind item, binura ito ng showbiz insider.

Pinalitan ng panibagong post ang deleted post.

Sabi rito, “So me nauna na pala sa akin na magbalita ng tungkol sa panganganak ng isang aktres recently sa isang ospital sa San Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na ang akala ng marami ay sa ibang bansa ito naganap...

“With regards to the identity of the father of her baby, mas magandang sa kanya na lang natin ito marinig mismo.

“May nagtanong kasi sa amin kung sure daw ba ako na yung sikat na aktor ang ama.

“If yes, happy naman sila, pero para lang wala nang duda-duda, hintayin na lang natin ang newest mom ang magsalita tungkol sa bagay na ito.

“After all, happy naman ang lahat sa panibagong blessing na ito na dumating sa buhay ng aktres.

“At alam kong napakaswerte ng batang ito sa kanyang mga magulang.”

Sa comments section, nagsihulaan ang mga netizens at panay sina Julia at Coco ang binabanggit.

COCO MAD ABOUT THE LEAKED STORY

Kinumpirma naman ng ilang industry insiders sa PEP.ph na nanganak na si Julia, at si Coco ang tinatayang ama ng sanggol.

Ngunit ang paglabas ng balita ay ikinagalit umano ng sinasabing most-favored Kapamilya star sa kasalukuyan. Mainit daw parati ang ulo nito sa set noong panahong lumabas ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung dati raw ay may temper na ang aktor sa set ng Ang Probinsyano, noong panahong iyon ay lalo pa raw pumuputok ang galit nito bigla-bigla.

Pagtataka naman ng showbiz insiders: Bakit galit si Coco?

Sa showbiz daw, hindi kailanman nakasira sa isang action star ang pagkakaroon ng kuwentong may anak ito sa labas.

Lalo na para kay Coco, na lead star sa isang major network sa highest-rating, primetime action serye nito, na walang balak isara at paaabutin pa raw ng apat na taon, ang pagkakaroon ng anak nito kahit hindi kasal ay hindi makakasama.

Ayon sa PEP.ph source, ang malaking dahilan kaya galit ang aktor ay dahil mayroon na itong ibang napupusuan, at nangangamba itong makasira ang balita sa bagong relasyon.

Bulong-bulungan sa Kapamilya network na ang pumalit kay Julia sa buhay ni Coco ay ang leading lady nito sa Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.

Noong June 2018, kumalat ang isang video kung saan makikitang nagbeso sina Coco at Yassi sa loob ng tent, o standby area, sa set ng Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ito ng iba-ibang bersyon dahil sa pagkaka-edit ng ilang fans, kaya ang dating ay parang naghalikan ang dalawang Kapamilya stars.

Nilinaw ni Coco na walang malisya ang "beso-beso" nilang iyon ni Yassi.

Pahayag ni Coco noon tungkol sa video, “Hindi naman kiss yun. Ano lang yun, beso-beso lang yun.”

Sabi pa niya, “Nabigyan lang ng malalim na kulay. Kasi, siyempre, alam niyo naman ang mga fans...”

Ngunit ayon sa isa pang source ng PEP.ph, iba ang trato ni Coco kay Yassi. Kung nagagalit daw si Coco kapag may nali-late sa set ng Ang Probinsyano, kapag nagtatanong daw ito kung dumating na si Yassi, iba raw.

Sabi ng source, "Hindi galit dahil late si Yassi, ha. Yung galit na may tampo, yung parang may LQ. E, itong isa ay party girl." (Ang LQ ay Lovers' Quarrel.)

Bandang July 2, 2018 naman nang mag-post si Julia ng matalinhagang message sa kanyang Instagram Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinihinala ng netizens na ito ang pabirong reaksiyon ni Julia sa napabalitang pagkakaugnay ni Coco kay Yassi.

Sabi ni Julia sa kanyang post: "I [see] you! You better be good or else [tongue sticking out and smiley wearing shades emojis]."

Kalakip nito ang selfie ni Julia na bahagyang nakangiti habang nakatikip ng kanyang kamay ang kaliwang mata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ni Yassi na may namamagitan sa kanila ni Coco.

Nito lamang March 29, 2019, sa panayam ni Yassi sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ng aktres na malapit lang silang magkaibigan ng kanyang leading man sa Ang Probinsyano.

Ayon kay Yassi, noong una ay medyo kinabahan pa siya sa pagtatambal nila ni Coco dahil nga sa napapabalitang relasyon ng aktor kay Julia.

Aniya pa, "Kasi hindi naman talaga ako kasali."

CONFIRMING THE NEWS

Nagpadala ang PEP.ph ng mensahe sa pamunuan ng Cardinal Santos Medical Center tungkol sa balitang doon nanganak si Julia, ngunit at press time ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

Ang sagot lamang nila ay: "Hello Arniel Serato! This is to notify you that we have successfully received your message. We will answer your inquiry as promptly as we can. Thank you and have a good day!]"

Sa pagkakaalam din namin, hindi basta naglalabas ng impormasyon ang mga ospital tungkol sa mga pasyente, lalo pa kung hiniling mismo ng mga ito ang pagkakaroon ng privacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaabot na rin ng mensahe ang PEP.ph sa talent manager ni Julia na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, Inc.

Pero nitong Enero lamang, itinanggi niya ang isyung buntis si Julia.

Saad ni Erickson, “She's in Germany with her dad... She heard about [the rumor] and we called her... pero hindi talaga totoo.”

Bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close