GMA-7 cancels TV guestings of Jennylyn Mercado


Controversial talent manager Becky Aguila is expected to arrive in the Philippines tonight. Becky cut her London trip to attend to the problems of her other talents, like Jennylyn Mercado (in photo), who was replaced by Yasmien Kurdi in Pasan Ko ang Daigdig and whose TV guestings are reportedly being cancelled.



Kasalukuyang nakasakay sa eroplano pabalik ng Pilipinas ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila. Mula sa London ay nag-stopover sa Dubai si Becky; six hours siyang na-stuck sa Dubai bago nakasakay ng eroplano.



Biglang nagdesisyon na bumalik na ng Pilipinas si Becky at iwanan na sa London si Angel pagkatapos mabalitaan ang sinapit ng isa pa niyang talent sa GMA-7 na si Jennylyn Mercado. Pagkatapos nang huling naisulat dito na nag-iiyak si Jennylyn dahil pinalitan na siya ni Yasmien Kurdi sa Sine Novela ng GMA-7 na Pasan Ko ang Daigdig, kaninang umaga, July 31, ay nakatanggap diumano ng text message si Jennylyn mula sa Artist Center—talent arm ng GMA-7—kinakansela ang kanyang TV guestings sa Kapuso Network.



Narito ang text message ng handler ni Jennylyn sa Artist Center na si Daryl Zamora: "Kansel po Just Joking taping tomorrow at Maynila taping on Wednesday."

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Daryl upang kumpirmahin ang naturang text message. Umamin ang handler ni Jennylyn na nag-text nga siya, pero nilinaw niya na re-scheduled lang ang taping ni Jennylyn sa Just Joking ngunit matutuloy rin ito. Sinabi rin niya na nagbago ang line-up ng Maynila kaya hindi na natuloy rito si Jennylyn.

Ang tanging regular show ni Jennylyn ngayon sa GMA-7 ay SOP.


Awang-awa si Becky sa kanyang alaga dahil wala namang kinalaman sa mga pangyayari. Di hamak daw na mas maliit ang kinikita ni Jennylyn kesa kay Angel. Si Jennylyn din ang breadwinner sa kanyang pamilya. Malaking kawalan daw para sa pang-araw-araw na panggastos at pang-sustain ang mga nawalang TV guestings ni Jennylyn.



Sisikapin ni Becky na makipagkita agad at kausapin si Jennylyn once na dumating siya ng Pilipinas kung kakayanin pa ng kanyang katawan. Hindi raw magdadalawang-isip si Becky na humarap sa GMA-7 management kung mapagbibigyan siya ng meeting sa mga executives ng network para kay Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala pang opisyal na pahayag ang GMA-7 kung ano ang plano nila sa mga naiwang mga alaga ni Becky sa kanilang bakuran. Ngunit tinatayang ang aksiyon na ito ng GMA-7 sa mga alaga ni Becky ay may kinalaman sa napipintong paglipat ni Angel sa bakuran ng ABS-CBN. Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawang kampo kaya nadadamay tuloy pati ang ibang mga alaga ni Becky na nasa pangangalaga pa ng Artist Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN