Melanie Marquez sues PR man for "unjust vexation"


Melanie Marquez sued PR man Richard Hiñola for spreading false statements that the previous case she filed against him last February was dumped by the court. She has documents to prove that she withdrew the case.



Bakas ang galit sa mga mata ni Melanie Marquez nang humarap sa media kahapon, July 31, nang mag-file siya ng demandang "unjust vexation" laban sa PR man na si Richard Hiñola.

Kasama ng dating Miss International ang owner ng Psalmstre Placenta na si Jim Acosta at ang kanyang abogadong si Atty. Jodulo Punzalan Jr. nang humarap sa sala ni Fiscal Jesus Labriaga ng Makati Regional Trial Court Branch 22 para isampa ang kaso.

Ayon kay Melanie, ginamit daw ni Hiñola ang ilang mga pahayagan para ipamalita na ibinasura ang dating kasong isinampa. Isang malaking kasinungalingan daw ito. Iniurong daw niya ang demanda laban kay Hiñola noong Pebrero 2007 dahil na rin sa pakiusap ng kanyang mga kaibigan.

Nagpakita pa si Melanie ng dokumentong nagpapatunay na nai-withdraw niya ang kaso na noo'y didinggin sana sa barangay level.

"Ginagawa ko ito para maturuan ng leksyon si Richard dahil hindi siya dapat nagkakalat ng kasinungalingan. Napatawad ko na nga siya noon, pero heto na naman siya. Kung gusto niyang sumikat, gumawa siya ng paraan pero not at my expense," nanggigigil na sinabi ni Melanie.

Wala naman daw plano si Melanie na sampahan ng kaso ang mga babasahin na naglathala ng mga pahayag ni Hiñolai.

"Kaibigan ko silang lahat. Wala naman silang kasalanan. Ang dapat talagang kastiguhin e, ang nagsisinungaling."

Ayon naman sa abogado ni Melanie, isinampa nila sa Makati ang kaso para maiwasan nang ibaba sa barangay level ito. Nakatira si Hiñola sa Quezon City at si Melanie naman ay sa Makati. Kung mapagdesisyunan din nila, maaari nilang isampa ang kaso sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na naabot ng lathalain.

"Ako talaga ang nagpumilit kay Jim [Acosta] na magsampa ng kaso. Dati pa pala niyang alam ang ginagawa nitong si Richard, pero nananahimik lang siya," dagdag pa ni Melanie.

"Gusto ko kasi na tahimik na lang. Ayoko nang mga kaso-kaso," sabi naman ni Jim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nag-ugat ang kaso nang inakusahan ni Melanie si Hiñola na ginagamit pa rin ang kanyang mukha sa isang sabon na dati niyang ini-endorso.

Nagkaroon pa ng asunto sa pagitan ng dalawang soap companies dahil halos magkapareho ang packaging at pangalan nila.

Sa panayam naman ng PEP (Philippine Entertainmet Portal) kay Hiñola, sinabi nitong napapagod na raw siya sa kaso at hindi na raw dapat pang nagdemanda pa si Melanie.

Hawak daw niya ang mga dokumentong nagsasabi na talo na si Melanie sa kaso.

"Bago siya magdemanda dapat inisip na muna niya na case closed na ito. Forum shopping na ang ginagawa niya, bakit siya magdedemanda sa Makati? Sana ibigay na muna niya ang mga komisyon ko bago niya ako idemanda.

"Sana huwag na niya akong galitin kasi mabait naman siya, e. Pero dapat tumahimik na siya dahil walang pupuntahan ito," pahayag ni Hiñola.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN