Bong Revilla considers 2019 elections the dirtiest campaign season

IMAGE Photo grabbed from Magandang Buhay

Senatorial candidate Bong Revilla on the 2019 elections: “Mas madumi ngayon, mas madumi. Ang daming fake news, sobrang pambu-bully. Masakit pakinggan, masakit kapag nakikita mo."


Beteranong maituturing si Bong Revilla Jr., 52, pagdating sa pangangampanya sa panahon ng eleksyon.

Noong 1995, sa edad na 28, pinasok ni Bong ang public service nang tumakbo siya bilang vice governor ng Cavite, at nanalo siya.

Una siyang tumakbo sa pagka-senador noong 2004 at nanalo.

Ngayong 2019 elections ay tumatakbo siyang muli bilang senador.

Pero para kay Bong, ito ang pinakamaruming kampanya dahil sa talamak na pagkalat ng fake news.

“Mas madumi ngayon, mas madumi," sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ang daming fake news, sobrang pambu-bully. Masakit pakinggan, masakit kapag nakikita mo.

“Dapat i-address natin ‘yan, especially yung fake news, dahil sisirain talaga yung buhay mo ng mga ganoon, e.

"Kaya dapat maging aware din yung mga tao. Malaman nila kung ano ba yung totoong news at yung fake news, para hindi tayo madadala sa mga ganoon."

Alam daw ni Bong ang sinasabi siya dahil maraming beses na umano siyang naging biktima ng fake news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, wala ka rin magawa dahil kapag nag-bash sila talagang masakit, e, 'tapos may mga troll. Ang dami nilang trolls.

“Minsan, pipikit ka na lang.

"Kumbaga, nakulong na nga ako nang napakatagal na panahon, nasaktan na kami nang sobra-sobra, medyo magiging manhid ka na rin in a way.

"Pero siyempre, binabalaan din natin yung mga patuloy na sumusuporta sa akin.

“Sana, huwag silang maniniwala sa mga ganoon at kung maaari sana, ipagtanggol din nila ako dahil sobra na yung inabot natin na panggigiba.

"Yung dati, alam niyo na yun kung sino sila.

"Basta’t ang wish ko na lang matigil na 'yang mga ganyan, dahil hindi na biro yung pinagdaanan namin."

Nakulong si Bong ng apat na taon sa Camp Crame dahil sa akusasyon sa kanyang nagbulsa ng P224-milyong kickback kaugnay ng bilyon-bilyong halaga ng pork-barrel scam. 

December 2018 nang ibasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa kanya at nakalaya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nahaharap pa rin si Bong sa 16 graft charges hinggil sa pork barrel scam.

NOT INCLUDED IN TOP 5, SURVEY SAYS

Tumatanggap si Bong ng rock-star treatment sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan niya.

Kaya may mga nagtataka kung bakit wala ang kanyang pangalan sa Top 5 candidates sa mga senatorial survey.

Saad niya tungkol dito, “Sa totoo lang, anywhere I go… Akala ko noong una, talagang hindi na nila ako kilala.

“Hindi na nila ako mahal dahil sa tindi ng inabot natin, pero kahit saan ako pumunta—Luzon, Visayas, at Mindanaonandoon pa rin yung pagmamahal nila.

“Nakakakilabot talaga. Nakakakilabot yung suporta ng tao, yung pagmamahal, yung pagtanggap nila sa akin sa kalye, yung yakap nila…

"Talagang kikilabutan ka na lang kaya sabi ko, ‘Thank you, Lord.'"

Ibig bang sabihin nito ay hindi dapat paniwalaan ang mga survey dahil kabaliktaran nito ang ipinapakitang pagmamahal sa kanya ng mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Bong, “Marami ang nagsasabi niyan.

"'Ito ba ang number 9 o 8 sa survey? Itong treatment, pagtanggap ng tao sa ’yo?'

“Kaya sabi ko, nagdududa rin ako sa survey, pero ganoon pa man, sabi ko, ang tunay na survey ay yung boses na maririnig mo sa tao, at yung pagtanggap sa ’yo sa kalye, yun ang tunay na survey.

“Kaya ako, yung survey, basta antayin na lang natin yung halalan at yun ang magsasabi ng katotohanan.

“Yung survey-survey, tao rin ang gumagawa niyan.” 

SUPERWOMAN

Special guest si Bong sa advanced birthday celebration ng kanyang misis na si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite, kaninang umaga, April 8.

Nagsalita si Bong na "Superwoman" at hindi basta "Wonder Woman" si Lani, dahil ito ang kanyang secret weapon at nagsabing kumandidato siya muli bilang senador.

Lahad ng actor-politician, “Siya ang dahilan kung bakit ako, kumbaga, napatakbo.

“Siya ang nagsabi na sa pag-iikot niya, dama niya at naririnig niya sa mga tao na mahal pa rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Papa, tumakbo ka uli, mahal ka pa rin ng mga kababayan natin.’”                                 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN