Lani Mercado reveals what makes her 51st birthday more special

IMAGE Jojo Gabinete

Bacoor City Mayor Lani Mercado (right) is all smiles and reveals that her upcoming 51st birthday is her happiest because husband Ramon "Bong" Revilla Jr., is finally free after being detained for more than four years.


Itinuturing ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na pinakamasaya ang kanyang nalalapit na 51st birthday.

Ito ay dahil dininig ng Diyos ang kanyang panalanging makalaya ang kanyang asawang si Bong Revilla Jr. mula sa mahigit apat na taong pagkakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

“Finally, God has given me the wishes of my heart.

"On my 51st birthday, nakapiling ko na si Senator Bong Revilla.

"Bagamat panahon ng kampanyahan ngayon, mahirap kami na magkahagilapan ng panahon, pero still, importante, nandiyan siya.

"Nakalabas na at kapiling ng pamilya niya," pahayag ng actress-politician sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang advanced birthday celebration kasama ang mga empleyado ng Bacoor City Municipal Hall at mga tagasuporta, sa Strike Gymnasium, ngayong April 8, Lunes, 

Sa April 13 pa ang eksaktong birthday ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Lani, “Kanina nga, nang nagsasalita siya sa stage, maluha-luha pa rin siya.

"Sabi ko, ‘Ano ba 'yan, hindi pa rin nagsi-sink in, pero mas lalo naming na-value ang isa’t isa after what has happened.’

“Ako, four and a half years, mahirap naman talaga yung pinagdaanan namin, hindi biro.

"'Tapos ngayon, umiikot kami na damang-dama namin yung pagmamahal at init ng suporta ng mga tao. Mas lalong nakaka-overwhelmed.”

Taong 2014 nang makulong si Bong dahil sa diumano’y pagbubulsa ng P224-milyong kickback kaugnay ng bilyun-bilyong halaga ng pork-barrel scam.

December 2018 nang ibasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa kanya at nakalaya.

Pero nahaharap pa rin si Bong sa 16 graft charges hinggil sa pork barrel scam.

TOUGHEST CAMPAIGN SEASON

Pareho ang paniniwala nina Bong at Lani na ang kampanya ngayon para sa mid-term polls sa May 13, 2019 ang pinakamahirap.

Ayon kay Lani, “Napakahirap ngayon kasi rock bottom ang pinanggalingan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong last election, Bong was endorsed by all the parties except for the Liberal Party.

“Ngayon, iba naman ang scenario, so this is extra challenging for us.

"Malaking bagay nga na in-endorse kami ng Hugpong ng Pagbabago through Inday Sara Duterte.

“We are very, very thankful for that. Naging oportunidad ito para makaakyat kami ng entablado, makita siya ng tao.

“At the same time, ang campaign manager mo, anak pa ng president, so malaking bagay yun para sa amin.

“Nagpapasalamat kami kay [Davao] Mayor Inday Sara for including us sa line up ng HNP."

Naniniwala si Lani na destiny ang pagpasok niya sa mundo ng public service.

“After I lost noong 2001, I didn’t wanna go back, pero kapag nakatakda sa ’yo, nakatakda, yun ang destiny.”

Natalo si Lani sa mayoralty race sa Bacoor noong 2001.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN